top of page

TENNIS: Rybakina muling umaarangkada sa US Open, papalapit sa world No. 1

Sari Story

September 10, 2026 at 4:19:29 AM

Larawan ni Elena Rybakina

Tennis – U.S. Open – Flushing Meadows, New York, United States – Setyembre 7, 2026: Kuha ni Elena Rybakina ng Kazakhstan nang kanyang ipagdiwang ang kanyang pagkapanalo laban kay Naomi Osaka ng Japan sa round of 16.

Geoff Burke / Reuters

Nanatili ang mga pangamba sa kondisyon ni Elena Rybakina hanggang bisperas ng U.S. Open, ngunit sinabi ng Kazakh tennis star na hindi niya akalaing ganoon kabilis ang kanyang pag-unlad matapos ang ankle injury. Lalo siyang natuwa matapos umabante sa quarterfinals nitong Lunes at mapalapit sa pagiging world number one.

 

Dumating ang second seed sa New York na hindi pa nakapaglalaro mula nang umatras siya sa quarterfinal match nito kontra kay Iga Swiatek sa Cincinnati Open noong nakaraang buwan. Gayunman, nagpakita siya ng kahanga-hangang laro at umabante sa quarterfinals nang hindi nawawalan ng isang set.

 

Tinalo niya nang matindi ang two-time champion na si Naomi Osaka sa fourth round upang makaharap naman ang Olympic champion na si Zheng Qinwen. Isa pang panalo ang magbibigay-daan kay Rybakina na malampasan si Aryna Sabalenka at agawin ang world number one ranking sa susunod na linggo.

 

“Hindi naging ganoon kaganda ang naging paghahanda ko. Pitong araw akong hindi nakapaglaro at hindi rin ako gaanong nakapag-ehersisyo sa gym dahil limitado ang galaw ko, kaya kinailangan naming harapin ang bawat araw nang paisa-isa (My preparation wasn't that great. I didn't play for seven days and I couldn't do much in the gym movement-wise, so we had to really go day by day),” ani Rybakina.

 

“Kahanga-hanga ang naging progress ng aking kondisyon. Masaya ako sa naging takbo ng lahat. Hindi rin namin alam kung makakalaro ba ako o hindi. Malaking tulong ang mahusay kong team, pati na rin ang doktor na palaging nakakausap namin sa telepono (It’s amazing progress. I’m really glad how everything worked out. We didn’t even know if I’m going to be able to play or not. I have a great team. Also, a good doctor on the phone all the time),” dagdag niya.

 

“Hindi ko masasabing naging mahusay ang lahat ng laban, pero masasabi kong isa ito sa pinakamagagandang laban na nilaro ko (I can’t say that all the matches were amazing, but today it was one of the best matches I played).”

 

Unang pagkakataon din para kay Rybakina na umabot sa quarterfinals ng U.S. Open. Sinabi niyang mas gumanda na ang kanyang relasyon sa torneo at sa New York dahil sa kanyang magandang takbo ngayong taon.


“Mas lalo itong gumaganda (Well, now it’s getting better and better),” ani Rybakina.


“Karaniwan, hindi ganoon kaganda ang performance ko. Pero pakiramdam ko, ito na ang pinakamaganda kong performance dito ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon na naglaro ako rito (I usually don't perform that well. Now I feel like this year it's the best for now out of all the years that I've played here).

 

“Gusto ko ang New York at napakaganda nitong lungsod. Para sa akin, siguro sapat na ang dalawa o tatlong linggo rito dahil baka maging sobra na pagkatapos. Gustong-gusto ko rin ang mga manonood dito (I like New York and it's an amazing city. For me, maybe just for two, three weeks, because afterwards it might be too much. I really love the crowd here).

 

“Nasiyahan akong maglaro sa mga stadium na tulad nito (I enjoy playing in stadiums like this),” dagdag ni Rybakina.

 

 

bottom of page