top of page

Tennis: Frenchman Arthur Fils, unang beses makalalaro sa ATP Finals

Reuters; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network

November 5, 2026 at 8:53:21 AM

Larawan ni Arthur Fils

FILE PHOTO: Reaksiyon ng French tennis player na si Arthur Fils habang nakikipagharap kay Botic van de Zandschulp ng Netherlands sa kanilang Round of 32 match sa Shanghai Masters, ATP Masters 1000, sa Qizhong Forest Sports City Arena sa Shanghai, China, Oktubre 12, 2026.

Reuters / Go Nakamura

Natiyak ni Arthur Fils ang kauna-unahan niyang paglahok sa season-ending ATP Finals nitong Miyerkules, matapos talunin ng kababayan niyang si Quentin Halys ang Americanong si Frances Tiafoe, 6-3, 1-6, 7-6(9), sa second round ng Paris Masters.


  • Sa edad na 22, si Fils ang magiging ika-10 Frenchman na sasabak sa torneo at ang una mula nang lumahok si Gael Monfils noong 2016.

  • Nakatakdang makasama ng world number seven na si Fils sa walong manlalaro ng torneo sina Alexander Zverev, Carlos Alcaraz, Ben Shelton, Daniil Medvedev at Flavio Cobolli.

  • Kuwalipikado na rin si Jannik Sinner ngunit hindi ito makalalahok dahil sa injury, kaya dalawa pang puwesto ang bakante.

  • Dalawang titulo ang nasungkit ni Fils ngayong taon — ang kauna-unahan niyang ATP Masters 1000 crown sa Cincinnati Open at ang Barcelona Open — ngunit hindi siya nakalahok sa Australian Open at French Open dahil sa mga injury.

  • Gaganapin ang ATP Finals sa Turin mula Nobyembre 15 hanggang 22.


—Ulat ni Vincent Daheron; inedit ni Ed Osmond/Reuters


bottom of page