top of page

TENNIS: Diaz ng Pilipinas, umusad sa quarterfinals ng ITF J30 Manila

Paraluman News; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network

November 26, 2026 at 8:12:36 AM

Larawan ni Jana Jelena Nicole Diaz

Ipinagdiriwang ng top seed na si Jana Jelena Nicole Diaz ang pag-usad niya sa quarterfinals ng unang leg ng ITF J30 Manila Championships na ginanap sa Rizal Memorial Tennis Center noong Nob. 25, 2026. Tinalo ni Diaz ang kababayang si Maristella Torrecampo, 6-2, 4-6, [10-3].

Philippine News Agency

Umakyat sa quarterfinals ng ITF J30 Manila Championships ang top-seeded Filipino junior na si Jana Jelena Nicole Diaz matapos talunin ang kababayang si Maristella Torrecampo, 6-2, 4-6, [10-3], sa Rizal Memorial Tennis Center noong Miyerkules, Nob. 25.


Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, nanaig ang 17-anyos na si Diaz mula Bacoor, Cavite sa match tiebreak laban kay Torrecampo, na nagwagi ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2026.


“Masaya ako dahil nalampasan ko ang hamon dahil mahusay ang laro ni Maristella (I’m happy that I was able to overcome the challenge because Maristella played well),” ani Diaz.


Nanguna ang estudyante ng De La Salle Zobel sa Group A sa round-robin stage matapos magwagi laban sa Japanese qualifier na si Mei Uchida at Callista Rosiana ng Indonesia.


Makakasama ni Diaz, na kasalukuyang No. 940 sa ITF junior rankings, sa quarterfinals ang top-seeded sa boys' division na si Milan Popov ng Russia, na tinalo ang Filipino na si Krelz Jan Gecosala, 6-2, 6-4.


Nanguna rin ang 15-anyos na si Popov sa Group A matapos magwagi laban sa Indian qualifier na si Sidhant Choudhary at Filipino wild card na si Felizardo Lota III.


“Maganda ang laban, pero pagod na pagod ako. Mahusay din ang aking kalaban (It was a good match, but I was so tired. My opponent is also good),” ani Popov matapos ang kanyang panalo.


Unang beses na lumahok sa kompetisyon sa Pilipinas, sinabi ni Popov na umaasa siyang maiuuwi ang kampeonato.


Paraluman News mula sa ulat ng Philippine News Agency/RAS


bottom of page