top of page

SOCCER: Lionel Messi, inanunsyo ang pagreretiro sa Argentina national team

Sari Story

September 2, 2026 at 6:37:15 AM

Larawan ng mural ni soccer legend Lionel Messi

Larawan ng mural ni soccer legend Lionel Messi sa Villa del Parque train station sa Buenos Aires, Argentina

Kuha ni Agustin Marcarian/Reuters

Pormal nang inanunsyo ng soccer legend na si Lionel Messi nitong Lunes ang kanyang pagreretiro sa Argentina national team.


Mahigit dalawang dekada nang kinakatawan ng Inter Miami superstar ang Argentina sa international competition.


Sa edad na 39, pinangunahan ni Messi ang Argentina sa pagkakapanalo ng World Cup noong 2022 at muling tumulong sa koponan upang makamit ang runner-up finish sa 2026 tournament.

Sa walong laro niya sa 2026 World Cup, nakapagtala siya ng walong goal—isa lamang ang kulang kumpara sa siyam na goal ni France star Kylian Mbappe—at umabot sa 125 ang kanyang kabuuang international goals sa kanyang karera, kabilang ang 21 sa World Cup.


"After the time that passed since the final, thinking about it a lot, I want to communicate to everyone that I am retiring from the national team," sabi ni Messi sa kaniyang Instagram post.


"It was a decision that hurt and hurts in a soul, but I understand that this is the moment. I swear to you that I always gave everything, not just in the last few years when we won everything but before as well and I always fought and left everything on the field for this shirt, to give you all joys and make you feel proud to be Argentines through soccer," saad pa niya.


Ito na ang ikalawang pagkakataon na inanunsyo ni Messi ang kanyang pagreretiro. Una na niyang sinabi noong 2016 na tapos na siya sa paglalaro para sa national team matapos matalo ang Argentina sa Chile sa penalty shootout sa Copa America final. Ngunit kalaunan, nagbalik si Messi sa Argentina at pinangunahan ang bansa sa pagkapanalo ng World Cup title noong 2022, gayundin sa Copa America championships noong 2021 at 2024.


Hindi naman sinabi ni Messi kung ang kasalukuyang season na rin niya ang kanyang huli laro sa Major League Soccer.


"I leave with the peace of mind and pride of having given you - along with my teammates - moments we once only dreamed of. Experiencing this with you was incredible. I love you all," aniya.


Sa dulo ng kanyang pahayag, iniwan ni Messi ang mga nasabing salita: "I wrote these words on July 21st, two days after the final. Today, after what happened with my dad, I am even more convinced than before."


Pumanaw si Jorge Messi, ama ni Lionel, noong Agosto 8 sa edad na 68 matapos maospital noong ginaganap ang World Cup ngayong tag-init.


Si Lionel Messi, na walong beses nang nagwagi ng Ballon d'Or bilang pinakamagaling na manlalaro sa mundo, ay kasalukuyang nasa kanyang ikaapat na season kasama ang Miami.

Noong nakaraang season, pinangunahan niya ang koponan sa unang MLS Cup championship nito at nakuha rin ang league MVP award sa ikalawang sunod na pagkakataon.


bottom of page