top of page

SOCCER: Fiorentina, sinibak si Grosso matapos ang tatlong sunod na pagkatalo sa Serie A

Sari Story

September 8, 2026 at 4:27:49 AM

Larawan ni Fabio Grosso

Reaksyon ni Fiorentina coach Fabio Grosso

Matteo Ciambelli / Reuters

Sinibak ng Fiorentina si coach Fabio Grosso nitong Linggo matapos ang tatlong magkakasunod na pagkatalo sa simula ng season na naglagay sa kanila sa ilalim ng standings ng Serie A, ayon sa pahayag ng Italian club.


Natalo ang Fiorentina, 4-0, sa AS Roma at 3-0 naman sa kanilang home game kontra sa bagong-promote na Frosinone bago pa muling matalo sa kanilang home game nitong Sabado, 2-1, kontra Torino.


Dahil dito, nakapagtala lamang ang Fiorentina ng isang goal habang siyam na ang kanilang kino-concede. Nakatakda silang bumisita sa Venezia sa Biyernes.


Wala pang tatlong buwan sa puwesto ang 48-anyos na dating Italy defender. Pinalitan niya si Paolo Vanoli noong Hunyo 8 at pumirma ng dalawang taong kontrata sa club.

Pinangunahan ni Vanoli ang Fiorentina sa pagtatapos ng season sa ika-15 puwesto noong nakaraang season matapos niyang pumalit kay Stefano Pioli, na sinibak matapos ang 10 sunod na laban na walang panalo.


Sumali si Grosso sa Fiorentina matapos niyang pamunuan ang Sassuolo sa pagkaka-promote sa Serie A sa kanyang unang season at tulungan ang koponan na makatapos sa mid-table.

Dati na rin niyang pinamunuan ang Bari, Hellas Verona, Brescia, Sion, Frosinone at Olympique Lyonnais.


Si Grosso ang sumipa ng winning penalty para sa Italy laban sa France sa 2006 World Cup final.


bottom of page