MOTOR RACING: Liam Lawson, muling sasabak kapalit ng injured na si Hadjar sa Madrid
Sari Story
September 9, 2026 at 5:12:56 AM
Muling makakasama ni Red Bull superstar Max Verstappen si Liam Lawson sa karera ngayong weekend sa Spanish Grand Prix matapos manatiling sidelined si Isack Hadjar dahil sa injury sa kanyang pulso.
Nasugatan si Hadjar habang nagsasanay noong summer break. Sa kanyang pagliban, nagtapos si Lawson sa ika-pitong puwesto sa Dutch Grand Prix at ika-14 sa Italian Grand Prix. Samantala, nagtapos naman si Yuki Tsunoda sa ika-11 at ika-10 puwesto habang siya ang pumalit kay Lawson sa junior team na Racing Bulls.
Mananatili si Lawson sa puwesto ni Hadjar para sa karera ngayong weekend sa bagong Madring circuit sa Madrid.
“Matapos lumahok para sa koponan sa Zandvoort at Monza, magpapatuloy si Liam kasama si Max sa Spanish Grand Prix ngayong linggo sa Madrid (After racing for the team in Zandvoort and Monza, Liam will continue to drive alongside Max at this week's Spanish Grand Prix in Madrid),” ayon sa pahayag ng Red Bull.
“Isinagawa ang desisyong ito habang patuloy na positibo ang pag-usad ng paggaling ni Isack. Bagama’t hindi pa siya handang bumalik sa cockpit, pupunta siya sa Madrid upang suportahan ang koponan.” (The decision has been taken as Isack's recovery continues to progress positively. While he is not yet ready to return to the cockpit, he will be in Madrid supporting the team).
“Umaasa ang lahat sa Oracle Red Bull Racing na malapit nang muling makabalik si Isack sa pagmamaneho.” (Everyone at Oracle Red Bull Racing looks forward to welcoming Isack back behind the wheel very soon).”
Pagkatapos ng Madrid, ang susunod na karera sa Formula 1 schedule ay ang Azerbaijan Grand Prix sa Setyembre 26.

