top of page

Masisikip na accommodation sa Asian Games, ipinagtanggol ng organizers sa gitna ng pangamba ng mga residente

Sandra Samala-Salem

September 25, 2026 at 11:25:14 AM

Larawan sa labas ng Aichi International Arena

Asian Games – Aichi-Nagoya 2026 – Basketball – Women’s – Group A – Indonesia kontra Thailand – Aichi International Arena, Nagoya, Japan – Setyembre 17, 2026: Pangkalahatang tanawin ng mga ulap sa labas ng istadyum bago ang laban.

Edgar Su / Reuters

Muling ipinagtanggol ng mga lokal na organizer ng Aichi-Nagoya Asian Games nitong Huwebes ang tinutuluyan ng mga atleta matapos makiisa ang mga residente sa mga puna hinggil sa mga kuwartong parang shipping container.


Iniurong ng mga organizer ang orihinal na plano na magtayo ng isang hiwalay na Athletes' Village upang makontrol ang gastos. Sa halip, nasa iba't ibang hotel, modular unit na estilo ng container, at isang chartered cruise ship ang tinutuluyan ng 17,000 atleta at opisyal.


Ilang atleta na rin ang nagpahayag ng pagkadismaya sa laki ng kanilang mga cabin at kama—isang puna na sinang-ayunan din ng mga residenteng nakapunta sa prototype unit na itinayo malapit sa Nagoya TV Tower sa sentro ng lungsod.


“Pagpasok ko, napansin kong mahaba at makitid ang espasyo (Once inside, I noticed that the space was quite long and narrow),” sabi sa Reuters ng 49-anyos na nurse na si Wada, na apelyido lamang ang ibinahagi. 


“Kung magkatabi ang dalawang kama, maaaring medyo masikip doon (If two beds were placed side-by-side, it might feel a little cramped there).”


Para naman kay Atsuko Sasa, 55, isa pang residenteng nakatira sa Aichi prefecture, maaari sanang mas napaghandaan ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games Organising Committee (AINAGOC) ang naturang sitwasyon.


“Nauunawaan kong mahirap ang sitwasyon, pero pagdating sa kapaligiran para sa mga atleta, sana ay mas napaghandaan pa namin ito (I understand that it's a difficult situation, but when it comes to the environment (for athletes), I do wish we had been a little more prepared),” aniya. 


Gayunman, iginiit ni AINAGOC official Yuta Matsuo na isinasaalang-alang ng organizers ang mga puna ng mga atleta mula pa lamang sa simula.


“Alam namin mula pa sa simula na darating ang ganitong mga puna (We recognized from the start that such comments would come),” sinabi ng deputy director ng athlete accommodation section sa mga reporter. 


“Alam namin mula pa sa simula na may mga atletang mas malalaki at iba-iba ang pangangatawan. Para sa bawat kama, naglaan kami ng ottoman na maaaring idagdag upang mapahaba ang kama (We knew from the start that there would be athletes with larger and different body types. For each bed we have provided an ottoman that extends the bed's length).” Dagdag ni Matsuo, hindi rin praktikal sa usaping logistics ang pagdadala ng mas malalaking istruktura.


“Ang mga unit na ginagamit namin ay ang pinakamalaking sukat na maaaring ihatid gamit ang trak. Kapag mas malaki pa rito, mas maituturing na itong konstruksyon; hindi na ito maaaring itayo sa pabrika at saka ilipat sa ibang lugar (The units we're using are the largest size that can be transported by truck. Anything larger becomes closer to construction; you can no longer build it at the factory and move it).” 


“Kaya ginamit namin ang pinakamalaking sukat na maaari at pinagdugtong-dugtong ang mga unit upang makalikha ng sapat na espasyo (So we used the maximum size and joined units together to make a certain amount of space).”



bottom of page