top of page

ASIAN GAMES: 13-anyos na swimming sensation ng China, nakasungkit ng gold medal

Sari Story

September 22, 2026 at 8:32:05 AM

Larawan ni Yu Zidi

Nagdiwang si Yu Zidi ng China matapos manalo sa Women’s 200m Individual Medley Final sa Asian Games sa Tokyo Aquatics Centre, Koto, Tokyo, Japan, nitong Setyembre 21, 2026.

REUTERS / Andy Chua

NAGOYA, Japan – Sa pag-usbong ng isang batang swimming sensation at dominasyon ng mga mahuhusay na shooter, lalo pang pinatatag ng China ang pangunguna nito sa medal tally sa ikalawang araw ng full competition sa Aichi-Nagoya Asian Games nitong Lunes.


Ipinagpaliban ng mga organizer ngayong Martes ang mga equestrian event dahil sa pangambang maantala ang mga ito. Gayunman, nakahinga nang maluwag ang mga organizer matapos lumihis patungong silangang Japan ang Typhoon Dujuan, kaya't natuloy ang iba pang mga event.


Sa swimming pool, muling nagningning ang 13-anyos na si Yu Zidi matapos makuha ang kanyang ikalawang gintong medalya sa loob ng dalawang araw. Nagtala siya ng bagong Asian Games record sa pagkapanalo sa 200-meter individual medley. Ang kanyang oras ay 0.4 segundo lamang na mas mabagal kaysa sa world record na hawak ng Canadian swimmer na si Summer McIntosh.


“Mas masaya ako sa gintong medalya na ito kumpara sa una kong gold medal sa 200m butterfly (I feel even happier about this gold medal than the first one (200m butterfly),” kwento ni Yu.


“Ang mga detalyeng pinag-usapan namin ngayon ay mga bagay na maaaring hindi ko nagagawa nang tama sa training, kaya kailangan kong bigyan ng mas malaking pansin ang mga ito (The details we discussed today were things I might not get right in training, so I needed to pay more attention to them),” dagdag niya.


Sa men's 100m breaststroke, nagtabla sa gintong medalya ang Chinese swimmer na si Dong Zhihao at home favorite na si Ohashi Shin ng Japan. Samantala, nakakuha ng bronze si Qin Haiyang ng China, na dating nagkampeon sa lahat ng breaststroke event noong Hangzhou 2022 Asian Games.


Hindi rin nagpahuli ang mga Chinese shooter sa Aichi Prefecture General Shooting Gallery.


Naipagtanggol ng Olympic champion na si Sheng Lihao ang kanyang titulo sa men’s 10m air rifle matapos mapigilan ang matinding hamon mula sa mga Indian shooter na sina Himanshu Dhillon at Rudrankksh Patil. Nasungkit din ng China ang parehong gintong medalya sa team events.


Sa Shizuoka Stadium Ecopa, nagtapos sa 1-1 draw ang laban ng magkaribal na North Korea at South Korea sa women's Group F football.


WALANG HANDSHAKE


Natapos ang Korean War noong 1953 sa pamamagitan ng armistice at hindi isang peace treaty. Dahil dito ay nananatiling nasa estado ng digmaan ang North at South Korea.


Minamaliit naman ng North Korea coach na si Pak Song-jin ang naturang rivalry at sinabing wala itong espesyal na kahulugan. Samantala, hindi na ikinagulat ng South Korea coach na si Shin Sang-woo ang kawalan ng handshake matapos ang laban.


“Hindi naman ito palaging nangyayari, pero kung hihiling ang (DPR Korea) ng handshake, siyempre tutugon ako rito (It’s not always the case, but if (DPR Korea) requests a handshake, of course I will respond with one),” giit niya.


“Sa football game na ito, kailangan lang naming makuha ang resulta. Walang kinalaman ang sitwasyong pulitikal (In this football game, we just need to achieve results. The political situation does not matter),” dagdag pa niya.


Samantala, nagkaroon din ng milestone sa mixed martial arts (MMA).


Nakuha ni Dastan Kanybek uulu ang kauna-unahang Asian Games medal ng sport sa debut nito sa Nagoya, matapos makuha ang bronze sa 60-kilogram category.


Ang binagong format ng MMA ay idinisenyo upang mas mapalawak ang audience at suportahan ang pangmatagalang layunin nitong maisama sa Olympic Games. Bagama't maaaring hindi ito tanggapin ng ilang hardcore fan ng sport na minsang tinawag na “human cockfighting,” itinuturing itong mahalagang hakbang tungo sa mas malawak na pagtanggap sa MMA bilang mainstream sport.


Sa isa pang unang pagkakataon, magde-debut din sa Asian Games sa Nagoya ang Olympic Council of Asia (OCA) refugee team.


Kabilang sa koponan sina Mahmoud Jasem Muhammad at Tala Hasan Hunaidi, mga Syrian refugee na tumakas sa kanilang bansang sinalanta ng kaguluhan at kasalukuyang naninirahan sa Azraq refugee camp sa Jordan. Pareho silang taekwondo fighters.


“Talagang matindi ang naging paghahanda namin, at ang layunin namin ay hindi lamang ang makalahok — umaasa kaming makamit ang isang bagay, sa tulong ng Diyos (The preparations were really intense, and our goal isn't just to participate — we're hoping to achieve something, God willing),”  sabi ni Muhammad.


bottom of page