top of page

Thea Astley, nilinaw ang viral market video nila ni Elijah Canlas: “Bumibili lang naman kami ng gulay”

Sari Story

September 2, 2026 at 7:45:24 AM

Larawan nina Thea Astley at Elijah Canlas kasama si Miles Ocampo

Larawan nina Thea Astley at Elijah Canlas kasama si Miles Ocampo

Kuha sa Instagram nina Thea Astley at Elijah Canlas

Nilinaw ni Thea Astley ang mga kumakalat nilang larawan at video ng aktor na si Elijah Canlas sa La Union. Giit niya, magkaibigan lamang sila at walang anumang romantikong nangyari sa kanilang pagkikita sa isang pampublikong palengke.


Sa latest episode ng “TRGGRD!,” sinabi ng “The Clash” Season 2 first runner-up na bumibili lamang sila ni Canlas, kapwa 26-anyos, ng mga sangkap para sa pinakbet nang makuhanan sila ng video sa palengke.


“Dahil lang sa pinakbet, ang dami nang nasabi. Kaya nga, hindi ko rin alam eh, kung bakit nag-viral, bumibili lang naman kami ng gulay,” kwento ni Astley.


Ayon kay Astley, alam na nilang kumakalat ang video habang nasa La Union sila, pero hindi nila ito gaanong pinansin noong una.


Nang makabalik lamang umano sila sa Maynila nila napagtanto kung gaano na kalawak ang pagkalat ng video sa social media.


“It was just taken out of context na kasi there was a video tapos biglang naging screenshots na where ’pag iyong screenshots lang talaga ‘yung tinignan mo, mapapaisip ka talaga that Jelo (Elijah) was like holding my hand or something like that,” paliwanag niya.


Nilinaw din ng aktres at singer na walang romantikong relasyon sa pagitan nila ni Canlas.


“But I just want to be clear that Elijah and I are friends. Like we’ve been friends for years now at this point, and I would never go on a trip like that,” giit niya.


Mariin din niyang itinanggi na nangaliwa siya o naging third party sa isang relasyon.


“I’ve never cheated on anyone. I’ve never been the third party in any relationship to my knowledge,” dagdag niya.


Sinabi ni Astley na nauunawaan niya kung bakit naging protective ang mga tagahanga nina Canlas at Miles Ocampo, 29, lalo na’t matagal na nilang sinusubaybayan at sinusuportahan ang relasyon ng dalawa.


“Gets ko ’yung mga fans na feeling they feel invested in the relationship. Kasi sinuportahan nila ’yung dalawa, and nakita nila paano nag-blossom ’yung relationship ng dalawa through the years and then to suddenly parang here I come na parang threat to that bond.”


Hindi naman nagkomento si Astley kung naghiwalay na sina Canlas at Ocampo, ngunit muli niyang iginiit na wala siyang balak makialam sa kanilang relasyon.


“I just want to be clear that I’m just friends with Elijah, and I would never do that to another girl. I know what that’s like. I know what that feeling is like. I would never ever willingly come between a relationship. Never. I would never do that,” diin niya.


Bagama’t naiintindihan niya ang panig ng mga tagahanga, sinabi ni Astley na nasasaktan din siya sa mga pambabatikos at masasakit na tawag sa kaniya online.


“Gets ko ‘yung pain ng fan. But also, I hope that you could… naiiyak tuloy ako. Like, I also hope that you could give me a little bit of grace, like to see the things that I’m being called on the internet kind of hurts too. Like, to be called kabit or malandi. And just to see also my parents’ reactions to seeing some of the comments, I also feel hurt for them. To see that I’m being called these names when it’s not true,” aniya.


Ayon kay Astley, una niyang pinili na huwag nang patulan ang isyu, ngunit napagtanto niyang may mga pagkakataong kinakailangan niyang magsalita para linawin ang kaniyang panig.


“The things that you guys are saying are hurtful, guys. Watch your words. Words have power too and they're not true. You don't know. You don't know the full story. You don’t know me. You don’t know Jelo. You probably don't know Miles either. You just don't have the facts.”


Nagsimula ang kontrobersiya nitong mga nakaraang linggo matapos makitang magkasama sina Canlas at Astley sa La Union.


Sa isang TikTok video, makikitang naglalakad ang dalawa sa isang pampublikong palengke habang tumitingin sa mga tindahan ng gulay.


Sa isang bahagi ng video, makikitang nakahawak si Canlas sa braso ni Astley habang naglalakad sila.


Dahil dito, nagsimulang magkaroon ng espekulasyon sa estado ng relasyon nina Canlas at Ocampo, at may ilang netizen na inakusahan si Astley bilang third party.


Dalawang taon na ang nakalilipas nang magkaayos muli sina Canlas at Ocampo matapos ang kanilang breakup, bagama’t hindi malinaw ang kasalukuyang estado ng kanilang relasyon.


Kamakailan lamang, ibinahagi rin ni Canlas na ito ay “not the happiest moment” ng kaniyang buhay.


bottom of page