top of page

South Korean actor So Ji-sub, may fan meet sa Maynila ngayong Nobyembre

Sari Story

September 3, 2026 at 9:52:32 AM

Larawan ni So Jisub

Photo card ni So Ji-sub para sa fan meet na gaganapin sa Maynila ngayong Nobyembre

Screeshot mula sa Live Nation KPop facebook page

Babalik sa Maynila ngayong Nobyembre ang South Korean actor na si So Ji-sub para sa isang espesyal na fan meet bilang bahagi ng kaniyang 2026 Asia tour.


Ang 48-anyos na aktor ay magsasagawa ng 2026 “SO JI SUB ASIA FANMEETING TOUR [Soulmate The Timeless]” sa Nobyembre 5 sa New Frontier Theater sa Quezon City. Ito ang magiging unang pagbabalik niya sa Pilipinas makalipas ang pitong taon.


Inanunsyo ng Live Nation Philippines noong Martes, September 1, ang Manila stop ng aktor. “A special day with SO JI SUB is coming to Manila,” pahayag ng promoter sa caption ng kanilang post.


Bukod sa Maynila, kabilang din sa mga pupuntahan ng “Soulmate The Timeless” tour ang Macao, Taipei, Jakarta at Bangkok. Ikalawang stop ang Maynila sa tour, kasunod ng kaniyang show sa Macao sa October 24.

 

Inaasahang ilalabas sa mga susunod na linggo ang iba pang detalye tungkol sa Manila fan meeting, kabilang ang presyo ng ticket, mga seat section at iskedyul ng pagbebenta ng ticket.

 

Huling nakipagkita si So sa kaniyang mga Filipino fan noong 2019 sa parehong venue, kung saan libo-libong tagahanga ang dumalo. Ilang oras siyang nakipag-interact sa audience, kumanta at nagtanghal para sa kaniyang mga tagahanga.

 

Nakilala si So sa iba't ibang Korean drama at pelikula, kabilang ang “The Master’s Sun,” “One Sunny Day,” “The Battleship Island,” “Cain and Abel” at “Be With You.”

 

Naging pamilyar din ang kaniyang pangalan sa mga Filipino K-drama fan matapos siyang higit na makilala sa 2004 melodrama na “Memories of Bali.” Kabilang pa sa kaniyang mga serye ang “Oh My Venus,” “Doctor Lawyer” at “Mercy for None.” Ang kaniyang pinakabagong serye ay ang webtoon-based revenge drama na “Agent Kim Reactivated.”

 

Bukod sa pag-arte, sinubukan din ni So ang musika at naglabas ng ilang kanta sa mga nakalipas na taon na ikinasaya ng kaniyang mga tagahanga.


bottom of page