top of page

SM Entertainment, nagbabala ng legal na aksyon sa malisyosong posts tungkol kay Winter ng aespa

Kimberly Asis / Sari Story News

September 30, 2026 at 12:25:40 PM

Larawan ni aespa’s Winter.

Isang kuha ng larawan mula sa kanyang Instagram account.

INSTAGRAM / aespa

Sinabi ng SM Entertainment sa isang pahayag na nagsasagawa ito ng mahigpit na legal na aksyon laban sa mga malisyosong post na nagta-target sa aespa member na si Winter.


Ayon sa ahensya, patuloy na lumalabas sa iba’t ibang platform, kabilang ang X, Instagram, YouTube, TheQoo, Instiz, DC Inside, Yeosa Sidae, at Nate Pann, ang mga post at content na naglalaman ng maling impormasyon, paninirang-puri, pang-iinsulto, malisyosong panlalait, personal na pag-atake, at sexual harassment.


Sinabi ng SM Entertainment na matapos suriin ang mga naturang post, magsasagawa ito ng mga legal na hakbang, kabilang ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga responsable. Binigyang-diin din ng ahensya na hindi nito palalampasin ang anumang ilegal na aktibidad sa mga anonymous forum at social media.


“Regardless of domestic or international location, we will secure the necessary data to identify the posting and dissemination routes of the posts and the individuals responsible, and request investigations from the relevant investigative agencies,” pahayag ng ahensya.


Nagbabala rin ang SM Entertainment na mahigpit nitong pananagutin ang mga responsable sa ilalim ng zero-tolerance policy, nang walang anumang pagpapatawad o settlement.


“So we ask that you exercise special caution to avoid participating in any criminal acts,” dagdag ng ahensya.


Patuloy din umanong kinokolekta at sinisiguro ng kumpanya ang mga ebidensiyang may kaugnayan sa mga post at content na lumalabag sa karapatan ng mga artist nito sa pamamagitan ng fan reporting platform na KWANGYA 119 at ng sarili nitong monitoring efforts.


“We will continue to strengthen legal responses against malicious posts to protect the rights of our affiliated artists going forward. Thank you,” pagtatapos ng pahayag.


Ang aespa ay isang South Korean girl group na binuo ng SM Entertainment noong 2020. Binubuo ito nina Karina, Giselle, Winter, at Ningning, at kilala sa mga sikat na release tulad ng “Drama,” “Supernova,” at “Whiplash.”

bottom of page