top of page

SB19, tampok sa back cover ng Japanese magazine na anan

Sari Story

September 9, 2026 at 8:48:49 AM

Larawan ng SB19

Larawan ng SB19 sa back cover ng Japanese magazine na anan

anan / X

MAYNILA — Tampok ang Filipino P-pop group na SB19 sa back cover ng Japanese lifestyle magazine na anan para sa Issue 2512 nito, bilang bahagi ng feature na “Borderless Culture.” Ito ang unang pagkakataong lumabas ang SB19 sa naturang magazine.


Tampok sa paparating na isyu ang panayam kina Pablo, Josh, Ken, Justin at Stell, kasama ang isang exclusive photoshoot. Nagbahagi rin ang magazine ng behind-the-scenes clip mula sa photoshoot, kung saan makikita ang mga miyembro ng grupo na todo-porma para sa feature.


Ayon sa SB19, isang karangalan para sa kanila ang mapabilang sa naturang isyu.

“Isang karangalan para sa amin na maging bahagi ng back cover ng anan Issue 2512 para sa #BorderlessCulture feature nito, na nagbibigay-pansin sa aming musika at paglalakbay habang patuloy na inaabot ng P-pop ang mga tagapakinig sa iba’t ibang panig ng mundo (We're honored to appear on anan Issue 2512's back cover for its #BorderlessCulture feature, spotlighting our music and journey as P-pop continues to reach audiences across borders),” ayon sa grupo.


Nakatakdang ilabas ang isyu sa Setyembre 16, habang available na ang pre-orders sa Fully Booked sa halagang ₱599.


Ang anan feature ay ilalabas kasunod ng serye ng international milestones ng SB19. Noong Hulyo, gumawa ng kasaysayan ang grupo bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Lollapalooza, isa sa pinakamalalaking music festival sa mundo. Kamakailan lamang, dinala rin ng SB19 ang kanilang musika sa Japan sa pamamagitan ng pagtatanghal sa Summer Sonic.


Nakatakda rin silang mapanood sa mga sinehan sa iba’t ibang panig ng mundo para sa “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale,” na magsisimulang ipalabas sa Oktubre 7. Magsisimula naman ang ticket sales sa Setyembre 10.


bottom of page