Ryan Cayabyab, APO Hiking Society at Mitch Valdes, tampok sa ‘naRyan nAPO Kami’
Kimberly Asis / Sari Story News
October 22, 2026 at 11:55:39 AM
Magsasama-sama sa iisang entablado sina Ryan Cayabyab, Mitch Valdes, at ang mga miyembro ng APO Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo para sa “naRyan nAPO Kami,” ang ikaapat na bahagi ng MaestroClass Concert Series, na gaganapin sa Disyembre 4 hanggang 6 sa Proscenium Theater sa Makati.
Makakasama rin nila ang Ryan Cayabyab Singers (RCS) sa isang konsiyertong tampok ang mga awiting naging bahagi na ng kasaysayan at kultura ng musikang Filipino.
Bilang National Artist for Music, ilang dekada nang kinikilala si Cayabyab bilang kompositor, arranger, at musical director. Kabilang sa kanyang mga likha ang mga klasikong OPM at novelty hit tulad ng “Kailan,” “Tuwing Umuulan at Kapiling Ka,” “Kumukutikutitap,” at “Nais Ko.”
Nagkamit ng grand prize ang komposisyon niyang “Kay Ganda ng Ating Musika” sa kauna-unahang Metro Manila Popular Music Festival noong 1978, gayundin sa Seoul International Song Festival sa parehong taon. Makasaysayan ang pagkapanalo nito sa Seoul, dahil ito ang kauna-unahang komposisyong Pilipino na nagkamit ng parangal sa isang internasyonal na kompetisyon.
Samantala, sina Paredes at Garrovillo ang mga natitirang miyembro ng APO Hiking Society. Orihinal na binubuo ng tatlong miyembro, itinatag ang grupo noong 1969 kasama ang yumaong si Danny Javier.
Naging isa ang APO Hiking Society sa mga nanguna at nagbigay-hugis sa pag-usbong ng Original Pilipino Music (OPM), sa pamamagitan ng mga patok na awiting gaya ng “When I Met You,” “Panalangin,” at “Batang-Bata Ka Pa.” Magsisilbi ring unang pagtatanghal nina Paredes at Garrovillo sa Proscenium Theater ang nalalapit na konsiyerto.
Si Valdes naman, na dating kilala bilang Maya Valdes, ay isang beteranang mang-aawit, aktres, at komedyante. Dadalhin niya sa konsiyerto ang kanyang malawak na karanasan sa musika, teatro, at komedya.
Ilang dekada nang nakikipagtulungan (nakikipag-collab???) si Valdes kay Cayabyab sa mga produksiyon ng musikal na teatro. Kabilang dito ang orihinal na pagtatanghal ng “Katy! The Musical” noong 1988, na nagtatampok ng mga komposisyon ni Cayabyab. Magkasama na rin silang lumahok sa iba't ibang makasaysayang konsiyerto ng OPM at mga produksiyong musikal sa paglipas ng mga taon.
Nagkaroon na ng ilang kolaborasyon sina Valdes at Cayabyab sa larangan ng musikal na teatro, kabilang ang orihinal na pagtatanghal ng “Katy! The Musical” noong 1988, na tampok ang mga komposisyon ni Cayabyab. Nagkasama rin sila sa iba pang makasaysayang konsiyerto ng OPM at mga produksiyong musikal sa paglipas ng mga taon.
Mabibili ang mga tiket para sa “naRyan nAPO Kami” sa website ng Proscenium Theater at sa pisikal na ticket booth sa Power Plant Cinema. Nasa ₱7,000 hanggang ₱12,000 ang presyo ng mga tiket.

