top of page

Russell Brand, dating asawa ni Katy Perry, dumating sa korte sa London sa pagsisimula ng depensa sa kaso

Reuters; Isinalin ni Sandra Salem/ Sari Story Network

October 29, 2026 at 3:17:24 PM

Larawan ni Russell Brand

Dumating sa Southwark Crown Court sa London, Britain, noong Oktubre 28, 2026, ang British actor at komedyanteng si Russell Brand sa inaasahang pagsisimula ng paglalahad ng depensa sa paglilitis sa mga kasong panggagahasa at seksuwal na panghahalay na kinasasangkutan ng anim na babae mula 1999 hanggang 2009. Itinatanggi niya ang mga paratang.

Reuters / Toby Shepheard

Dumating sa Southwark Crown Court noong Miyerkules (Oktubre 28) ang British actor at komedyanteng si Russell Brand bago tumestigo sa paglilitis kaugnay ng mga umano’y krimeng naganap noon, kabilang ang panggagahasa at iba pang seksuwal na paglabag.


Si Brand, na dating regular na lumalabas sa telebisyon sa Britain at naging bida sa ilang pelikula sa Hollywood, ay nahaharap sa tatlong bilang ng panggagahasa, tatlong bilang ng seksuwal na panghahalay, at isang tangkang indecent assault na kinasasangkutan ng anim na babae mula 1999 hanggang 2009.


Itinatanggi ng 51-anyos na si Brand, dating asawa ng Amerikanang mang-aawit na si Katy Perry, ang lahat ng paratang laban sa kaniya.


Pagdating sa korte, tinanong si Brand ng isang mamamahayag kung mayroon siyang nais sabihin. Sumagot siya: “Dahil sa mga pangyayari sa araw na ito, sa palagay ko ay hindi nararapat na magsabi ako ng anuman maliban sa lubos akong nagpapasalamat na ang araw na ito ay nakalaan para sa katotohanan at katarungan, at pinagpala tayo dahil mayroon pa rin tayong sistemang kayang tumugon sa mga ganitong usapin (Due to the circumstances of the day, I think it would be inappropriate for me to say anything other than I am very grateful that today’s a day for truth and justice and we are blessed that as yet we have a system that can accommodate such things)”.


bottom of page