Nayeon ng TWICE, makakasama ang Pinoy fans sa Nobyembre 14
Kimberly Asis / Sari Story News
October 29, 2026 at 10:42:20 AM
Bibisita sa Pilipinas ngayong Nobyembre si Nayeon ng K-pop girl group na TWICE para sa isang eksklusibong fan meet na gaganapin sa Bonifacio High Street sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, sa Nobyembre 14. Ito ang kauna-unahang pagkakataong bibisita siya sa bansa bilang solo artist.
Inaasahang dadalo ang K-pop singer sa pagbubukas ng isang bagong establisimyento, kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang piling fans na makasama siya nang personal.
“A little something for ONCE — and a chance to see Nayeon in person!” saad ng brand sa isang post sa social media.
Maaari ring lumahok ang mga fans sa iba’t ibang aktibidad bilang bahagi ng event. Ang mga mapapalad na tagahanga ni Nayeon ay makatatanggap ng photocard na maaaring magbigay sa kanila ng pagkakataong manalo ng access sa fan meet. Maaari rin silang manalo ng VIP ticket para sa meet-and-greet sa pamamagitan ng pagsali sa NAYEON Dance Challenge sa social media, gamit ang mga solo song ng singer.
Samantala, naghahanda si Nayeon para sa kanyang nalalapit na solo comeback sa pamamagitan ng bago niyang EP na “NA-sty,” na nakatakdang ilabas sa Nobyembre 20. Ito ang magiging una niyang EP mula nang ilabas ang “NA” noong 2024.
Bibisita sa Pilipinas ngayong Nobyembre si Nayeon ng K-pop girl group na TWICE para sa isang eksklusibong fan meet sa Bonifacio High Street sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, sa Nobyembre 14. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibisita siya sa bansa bilang solo artist/nang mag-isa.
Inaasahang dadalo ang K-pop singer sa pagbubukas ng isang tindahan 9ok lang tindahan??), kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang piling fans na makasama siya nang personal.
“A little something for ONCE — and a chance to see Nayeon in person\!” saad ng tindahan(tindahan talaga??) sa isang post sa social media.
Maaari ring makilahok ang mga fans sa iba’t ibang aktibidad na bahagi ng event. Ang mapapalad na tagahanga ni Nayeon ay makatatanggap ng photocard na magsisilbing pagkakataon upang manalo ng access sa fan meet. Maaari rin silang manalo ng VIP ticket para sa meet and greet sa pamamagitan ng pagsali sa NAYEON Dance Challenge sa social media gamit ang mga solo song ng singer.
Samantala, naghahanda si Nayeon para sa kanyang nalalapit na solo comeback sa pamamagitan ng bago niyang EP na “NA-sty,” na nakatakdang ilabas sa Nobyembre 20. Ito ang magiging una niyang EP mula nang ilabas ang “NA” noong 2024.
Nag-debut bilang solo artist ang pangunahing vocalist at pinakamatandang miyembro ng TWICE noong 2022. Kabilang sa mga sumikat niyang solo song ang “POP!” at “ABCD.”

