top of page

Marvel, kinumpirma ang "Avengers: Doomsday" bilang huling pelikula ni Sir Patrick Stewart

Kimberly Asis / Sari Story News

November 2, 2026 at 10:53:21 AM

Larawan ni Sir Patrick Stewart.

Larawan kuha mula sa Facebook account ng Marvel Studios.

FACEBOOK / Marvel Studios

Inihayag ng Marvel Studios na ang huling pelikulang kinabilangan ng yumaong si Sir Patrick Stewart ay ang "Avengers: Doomsday." Pumanaw ang aktor sa edad na 86 matapos ang maikling pakikipaglaban sa Alzheimer’s disease at Lewy body dementia.


Kinumpirma ng studio na muli ngang gumanap si Stewart bilang ang kaniyang iconic na karakter na si Professor Charles Xavier sa nalalapit na installment ng Avengers.


"Marvel Studios is heartbroken to learn of the passing of Sir Patrick Stewart, the legendary English actor who brought Professor Charles Xavier to life," pahayag ng studio.


Unang gumanap si Stewart bilang Professor X sa pelikulang "X-Men" noong 2000, na naging simula ng ilang dekadang pagkakaugnay niya sa iconic na mutant character. Sa kaniyang huling pagganap bilang Charles Xavier sa "Avengers: Doomsday," aabot na sa siyam na pelikula ang kabuuang bilang ng mga pelikulang kinabilangan niya bilang naturang karakter.


"For more than 25 years, he brought a gravitas and profundity to the role, earning fans across the globe and helping to transform Super Hero storytelling forever," dagdag pa ng studio.


Sa paglipas ng mga taon, muling ginampanan ni Stewart ang karakter sa ilang pelikulang "X-Men." Isa sa mga pinakatanyag niyang pagganap bilang Professor X ang kaniyang papel sa pelikulang "Logan" noong 2017. Noong 2022, naging bahagi rin siya ng Marvel Cinematic Universe bilang alternate-universe version ni Professor X sa "Doctor Strange in the Multiverse of Madness."


Bukod sa "X-Men" franchise, nakilala rin si Stewart sa pagganap bilang Captain Jean-Luc Picard sa "Star Trek: The Next Generation." Kinikilala rin siya bilang isang mahusay na stage actor dahil sa matagal niyang pagiging bahagi ng Royal Shakespeare Company at sa kaniyang mga interpretasyon sa mga akda ni William Shakespeare.


Sa mahigit anim na dekadang karera sa pag-arte, tumanggap si Stewart ng maraming parangal, kabilang ang dalawang Olivier Awards at isang Grammy Award. Noong 2010, ginawaran siya ni Queen Elizabeth II ng titulong knight bilang pagkilala sa kaniyang mga kontribusyon sa larangan ng drama at sining.


Sa pagtatapos ng kanilang pagpupugay, binigyang-diin ng Marvel Studios ang pangmatagalang impluwensiya ni Stewart sa industriya ng entertainment.


"Sir Patrick Stewart leaves behind an indelible cultural footprint and legacy. Marvel Studios extends its deepest condolences to his family, friends, and fans around the world."


Nagbigay-pugay rin ang studio kay Stewart sa pamamagitan ng mga opisyal nitong social media account.


"Sir Patrick brought Professor Charles Xavier to life with extraordinary grace, intelligence, and humanity, defining the character for generations of fans, from ‘X-Men’ to ‘Logan’ to ‘Avengers: Doomsday.’ He was a singular talent, a generous collaborator, and a true gentleman."


Samantala, nagbahagi rin ng sariling pagpupugay sa Instagram ang mga direktor ng "Avengers: Doomsday" na sina Joe at Anthony Russo, na mas kilala bilang Russo Brothers. Ibinahagi nila ang kanilang karanasan at pasasalamat sa pagkakataong makatrabaho ang beteranong aktor.


"We’ve been lucky enough to work with some of our childhood heroes. And Sir Patrick Stewart will always be one of them," pahayag ng magkapatid.


"A legendary actor with an unmistakable presence, and an unmatched integrity. Thank you for entertaining all of us, sir. And for teaching us humanity, both on and off the screen.


"Sending our love to your family, friends, and fans around the world," pagtatapos nila.


Mapapanood ang "Avengers: Doomsday" sa mga sinehan sa Pilipinas simula Disyembre 16.

bottom of page