Lo Colby ng Amerika, itinanghal na Miss International Queen 2026; US, nakuha ang back-to-back na titulo
Sari Story
September 21, 2026 at 6:04:12 AM
Nakuha ng Estados Unidos ang back-to-back na panalo matapos koronahan bilang Miss International Queen 2026 si Lo Colby noong Sabado, Setyembre 19, sa isang patimpalak sa Thailand na itinuturing na pinakamalaki at pinakasikat na transgender pageant sa mundo.
Tinalo ni Colby ang 26 na iba pang kandidata para makuha ang korona, habang napunta sa mga kandidata mula Thailand at Japan ang ikalawa at ikatlong puwesto.
Si Colby ay isang brand marketing operations manager, content creator, entrepreneur at drag artist. Sinabi niyang layunin niyang palawakin ang mga oportunidad sa ekonomiya para sa LGBTQIA+ community upang maisulong ang pantay na oportunidad para sa lahat.
"Aaminin ko, parang hindi ko pa rin lubos na napoproseso ang nangyari. Pinoproseso ko pa ang emosyon habang nakatayo tayo rito (I think I'm still in a bit of shock, I'm not gonna lie. The emotions are processing as we're standing here)," sinabi ni Colby sa media.
Itinatag 20 taon na ang nakalilipas ang patimpalak upang isulong ang pagtanggap sa transgender women sa lipunan. Pinagsasama nito ang mga kalahok mula sa iba't ibang panig ng mundo na kinikilala ang kanilang sarili bilang transgender.

