top of page

Lee Jong Suk, muntik nang tanggihan ang “The Remarried Empress” ng Disney+

Kimberly Asis / Sari Story News

November 5, 2026 at 10:56:43 AM

Larawan ni Lee Jong Suk.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Lee Jong Suk.

INSTAGRAM / Lee Jong Suk

Nag-alinlangan muna si Lee Jong Suk na tanggapin ang papel bilang Heinrey sa romantic fantasy series ng Disney+ na “The Remarried Empress.” Pakiramdam ng aktor, masyadong mabigat ang pressure na kaakibat ng paglalarawan sa karakter sa orihinal na webtoon.


Ibinahagi ng Korean actor ang kuwento sa kaniyang guest appearance noong Nobyembre 3 sa “Salon Drip,” isang web variety show sa YouTube channel na TEO.


Nabasa na ni Lee, 37, ang orihinal na webtoon nang lapitan siya ni direktor Cho Soo Won tungkol sa proyekto. Gayunman, noong una ay pinalabas ng direktor na nais lamang nitong hingin ang kaniyang opinyon. Nang mapag-usapan nila ang karakter ni Heinrey, nagmungkahi pa si Lee ng ibang mga aktor na maaaring gumanap dito.


"At first, I couldn't easily decide to do it," pag-alala ni Lee. "Heinrey is described as being so beautiful that people faint when they make eye contact with him. That made it really hard to say yes. It was a lot of pressure."


Para kay Lee, nangangailangan ang naturang papel ng isang aktor na talagang gwapo. Naisip pa niya noon na mas masisiyahan siyang panoorin ang ibang aktor na gumanap sa karakter. Sinabi rin niya kay Cho na magiging matagumpay ang serye kung maayos nilang maibibigay-buhay ang karakter, bagama't sa isip niya ay mahirap itong gampanan.


"I thought I'd reassured a worried director, but it turned out to be a trap," kuwento niya. "From the next day on, the director started contacting me very frequently."


Kalaunan, iniabot ni Cho kay Lee ang script at kinumbinsi siyang tanggapin ang papel sa pangakong hindi naman mangangailangan ng maraming screen time ang karakter, ngunit magiging kapansin-pansin pa rin ang presensiya nito. Tiniyak din ng direktor na magiging magaan ang kaniyang trabaho sa paggawa ng serye.


"You can film comfortably if you just show up," pag-alala ni Lee sa sinabi ng direktor.


Gayunman, mas naging demanding pala ang papel kaysa sa inaasahan ng aktor. Kinailangan pa niyang matutong sumakay sa kabayo at sumayaw ng waltz, bukod pa sa pagbiyahe sa ibang bansa para sa shooting.


Ang “The Remarried Empress” ang ikatlong proyekto nina Lee at Cho, kasunod ng kanilang mga naunang pagsasama sa “I Can Hear Your Voice” at “Pinocchio.”


Hango ang serye sa isang sikat na web novel na kalaunan ay ginawang webtoon. Umiikot ang kuwento kay Empress Navier (Shin Min Ah), na humiling na pakasalan si Prince Heinrey (Lee) matapos siyang hiwalayan ni Emperor Sovieshu (Ju Ji Hoon). Tampok din sa serye si Lee Se Young bilang Rashta.


Si Lee ang nagsisilbing Heinrey, ang prinsipe ng Western Kingdom na inilalarawan sa orihinal na kuwento bilang isang napakagwapo at kaakit-akit na lalaki.


Nag-premiere ang serye noong Nobyembre 3 at mapapanood na sa Disney+ ang unang apat na episodes nito. Dalawang bagong episode naman ang inilalabas tuwing Miyerkules, hanggang makumpleto ang kabuuang 10 episodes.

bottom of page