top of page

Kaila Estrada, nag-post ng Japan snaps nila ni Daniel kasunod ng viral ‘meow’

Kimberly Asis / Sari Story News

October 1, 2026 at 10:23:19 AM

Larawan ni Kaila Estrada at Daniel Padilla.

Isang screenshot ng larawan mula sa Instagram account ni Kaila Estrada

INSTAGRAM / Kaila Estrada

Nag-viral si Daniel Padilla matapos nitong gumawa ng “meow” sound sa mikropono habang nagpe-perform ng classic hit na “Hinahanap-Hanap Kita.”


Habang kumakanta, binago ni Daniel ang linya at sinabing “sobrang hinahanap,” bago ito sinundan ng isang playful na “meow.” Agad itong napansin ng mga fan, at mabilis na kumalat sa social media ang mga video ng naturang performance, na nagdulot din ng espekulasyon kung ano ang ibig sabihin ng “cat sound.”


Ilang miyembro ng “KathNiel” fanbase, ang dating loveteam nina Daniel at Kathryn Bernardo, kasama ang iba pang netizens, ay agad na iniugnay ang “meow” kay Kathryn, na dating nobya ng aktor. May ilang nagtanong kung isa ba itong subtle reference sa aktres o baka naman isang inside joke na may kaugnayan sa kanilang naging relasyon.


Mayroon namang mga netizen na nagsabing maaaring wala itong ibang ibig sabihin. Ayon sa ilang fans, ginawa na rin umano ni Daniel ang kaparehong “meow” sa mga provincial concert niya noong nakaraang taon. Bukod dito, kilala rin ang aktor bilang isang cat lover.


Para sa kanila, maaaring isa lamang itong simpleng expression ni Daniel at hindi kinakailangang may pinatutungkulan.


Isang netizen pa nga ang dumepensa sa aktor at nagsabing, “It’s just an expression of a cat dad like him. It’s not that deep. Dear KathNiel fans, it’s time to heal. Kathryn and Daniel are both happy now with Mayor and Kaila.”


Sa kasalukuyan, parehong nagpapatuloy sa kani-kanilang buhay at showbiz careers sina Daniel, 31, at Kathryn, 30.


Mas naging open na rin sina Daniel at Kaila Estrada, 30, tungkol sa kanilang relasyon, habang kapwa umano suportado ng kanilang mga pamilya ang kanilang pagsasama.


Samantala, naiuugnay naman si Kathryn sa Lucena City Mayor na si Mark Alcala. Hindi pa opisyal na kinumpirma ng dalawa ang kanilang umano’y relasyon, ngunit ilang larawang ibinahagi online ng mga netizen ang paulit-ulit na nagpakitang magkasama sila, dahilan para mapansin ng publiko ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.


Habang patuloy na pinag-uusapan online ang “meow” moment ni Daniel, nagbahagi naman si Kaila ng panibagong mga larawan mula sa kanilang Japan trip.


Sa Instagram, nag-post kamakailan ang aktres ng bagong mga larawan mula sa kanilang getaway, na may simpleng caption na “too many memories.”


Makikita rito ang ilang moments nina Kaila at Daniel habang naglilibot sa Japan, kasama ang sweet at candid na mga kuha ng kanilang bonding moments.


Nauna nang nagbahagi si Kaila ng mga larawan mula sa naturang trip noong September 2. Sa kanyang post, makikita ang ilang selfies at candid shots kasama si Daniel at ang kanilang mga kaibigan habang kumakain sa isang restaurant, sumasakay ng tren, at nag-iikot sa Japan.

bottom of page