top of page

K-pop girl group na UNIS, magdi-disband na sa Setyembre 26

Kimberly Asis / Sari Story News

September 25, 2026 at 10:34:48 AM

Larawan ng K-pop grupong UNIS.

Isang screenshot ng larawan mula sa Instagram account ng UNIS.

INSTAGRAM / UNIS

Ang K-pop girl group na UNIS, na kinabibilangan ng mga Filipina members na sina Elisia Parmisano at Gehlee Dangca, pati na rin ng Filipino-Korean na lider na si Jin Hyeonju, ay magtatapos na sa kanilang group activities sa Setyembre 26 matapos mag-expire ang kanilang exclusive contract sa F&F Entertainment.


Kinumpirma ng F&F Entertainment sa isang pahayag na inilabas sa X na opisyal nang magtatapos ang exclusive management contract nito sa UNIS sa Setyembre 26, 2026, matapos ang dalawang taon at anim na buwan mula nang mabuo ang grupo.


Nabuo ang UNIS sa pamamagitan ng girl group survival show na “Universe Ticket” at opisyal na nag-debut noong Marso 2024. Bukod kina Elisia, Gehlee, at Hyeonju, kabilang din sa grupo ang mga Koreanong sina Yunha, Seowon, at Yoona, at mga Japanese na sina Nana at Kotoko.


Ayon sa F&F Entertainment, ang pagtatapos ng kontrata ay kasunod ng mga naging pag-uusap sa pagitan ng management at ng mga miyembro hinggil sa kontrata at sa magiging direksiyon ng grupo.


“After thorough discussions, we have ultimately decided to conclude UNIS's official activities as a complete group in accordance with the originally scheduled contract period,” pahayag ng ahensya.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang F&F Entertainment sa mga miyembro para sa mga pagtatanghal at alaalang kanilang nilikha bilang UNIS. Tiniyak din ng management na patuloy nitong susuportahan ang bawat miyembro sa kanilang mga susunod na hakbang.


“We would like to express our deepest gratitude to the members for creating countless stages and precious moments under the name UNIS with such passion and sincerity. Although their official activities together as UNIS will come to an end, we will sincerely support the members as they embark on new beginnings, continue pursuing their dreams in their respective paths, and grow even further.”


Nagpasalamat din ang management sa EverAfter, ang opisyal na fandom ng UNIS, para sa walang-sawang suporta ng mga tagahanga mula nang mag-debut ang grupo.


“Above all, UNIS exists today thanks to all the EverAfters who have always stood by their side. We would like to once again express our heartfelt gratitude to every fan who has shared this unforgettable, miraculous journey with UNIS over the years. We also ask that you continue to give the members your unwavering love and warm support as they embark on new challenges in the future. Thank you.”


Nakabuo ang UNIS ng malaking bilang ng mga tagahanga sa Pilipinas, lalo na dahil sa multinational lineup nito at sa tatlo nitong Pilipinong miyembrong sina Elisia, Gehlee, at Hyeonju.


Ang F&F Entertainment ay isang South Korean agency na sinusuportahan ng fashion at clothing company na F&F. Ang UNIS ang kauna-unahang idol group ng kumpanya.


Mula nang mag-debut, nakapaglabas na ang grupo ng tatlong extended play at isang single album, kabilang ang mga kantang “Curious,” “Swicy,” at “Superwoman.” Naglabas din ang grupo ng huli nitong digital single na “Milky Way” noong Setyembre 23, ilang araw bago mapaso ang kanilang kontrata.


Ilang beses nang nagtanghal ang UNIS sa Pilipinas. Pinakahuli ay noong Abril, nang maging headliner ang grupo sa 2026 Otaku Pop Fest sa Okada Manila.

bottom of page