top of page

Julia Montes, inialay ang parangal sa inang bingi

Sari Story

October 19, 2026 at 1:39:44 PM

Aktres na si Julia Montes, tumanggap ng pagkilala mula sa Philippine Association of the Deaf dahil sa kaniyang suporta sa komunidad ng mga Bingi sa Pilipinas.

Kuha mula sa Facebook page ni Julia Montes

Mula sa Facebook page ni Julia Montes

Ibinahagi ni Julia Montes ang mga naging karanasan niya sa paglaki kasama ang kaniyang inang may kapansanan sa pandinig at kung paano niya ito tinutulungan sa pang-araw-araw na buhay. Kamakailan, ginawaran ang aktres at producer ng Philippine Association of the Deaf, Inc. (PADI) bilang pagkilala sa suporta niya sa komunidad ng mga Bingi sa Pilipinas.


Tinanggap ni Julia ang sertipiko noong Oktubre 17, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng PADI.


Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Julia ang kaniyangkaranasan bilang anak ng isang inang may kapansanan sa pandinig.


“Growing up with a deaf mom, I experienced firsthand what it means to be her voice and ears in our everyday lives," saad ni Julia. “From helping her communicate with other people to protecting her from judgment, discrimination, and bullying, it was never an easy journey.”


Naalala rin ng 31-anyos na aktres ang masasakit na pagkakataong nasaksihan niyang pinagtatawanan at hindi maganda ang pagtrato ng ibang tao sa kaniyang ina dahil sa kapansanan nito sa pandinig.


“I remember crying for my Mama because of how other people treated her. There was even a time when I didn't want to be seen with her—not because I was ashamed of her, but because hearing people whisper, laugh, and mock her broke my heart. As a child, I couldn't understand why people could be so unkind to someone simply because she couldn't hear or speak like they did.”


Nag-iwan ng malalim na marka kay Julia ang mga karanasang ito. Dahil dito, natutuhan niyang maging mas maunawain, mapagpasensiya, at mahabagin sa kapwa. Lalo rin nitong pinagtibay ang paniniwala niya na nararapat lamang na igalang nang pantay-pantay ang mga taong may kapansanan at hindi sila dapat maliitin dahil sa kanilang kondisyon.


“People with disabilities may have different abilities, but they are no less than anyone else,” diin ni Julia. “They have the same feelings, dreams, dignity, and right to be treated with kindness and respect."


"Let us never belittle someone because of their disability. Instead, let us learn to understand, include, and respect them.”


Nagpasalamat din si Julia sa PADI sa pagkilalang ipinagkaloob sa kaniya, na inilarawan niya bilang isa sa pinakamakabuluhang parangal na natanggap niya.


Inialay niya ang parangal sa kaniyang ina at nag-iwan ng madamdaming mensahe para rito. “Mama, this one is for you. You may not hear the words I say, but I hope you always feel how proud I am to be your daughter.”


Nagpasalamat din si Julia sa PADI sa matagal na nitong paglilingkod at pagtataguyod sa kapakanan ng komunidad ng mga Bingi, kasabay ng pagdiriwang ng organisasyon ng 100 taon nito.


“Deafness is not a limitation to being loved, respected, and valued,”pahayag ni Julia.

bottom of page