top of page

Julia Barretto, hindi nagmamadaling mahanap ang Mister Right

Kimberly Asis / Sari Story News

October 14, 2026 at 11:44:47 AM

Larawan ni Julia Barretto.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Julia Barretto.

INSTAGRAM / Julia Barretto

Inamin ni Julia Barretto sa kanyang panayam kay Bianca Gonzalez sa talk show na “The B Side” na wala na siyang itinakdang edad kung kailan niya gustong magpakasal.


Binalikan ni Bianca ang naging panayam noon kay Julia sa vlog ni BJ Pascual, kung saan ibinahagi ng aktres na pangarap niyang makapag-asawa sa edad na 25. Ngayong 29 na siya, tinanong siya ni Bianca kung mayroon pa rin siyang partikular na edad na naiisip para sa pagpapakasal.


“I don't dream about the age anymore, the time that it should happen. I just want to be with the right person. I care more about ending up with the right person than achieving the timeline that I had when I was younger. And I'm grateful it didn't happen at 25. I wouldn't have been prepared for such a thing,” pagbabahagi ni Julia.


“But I mean, it's okay. My sisters were married at 25, it happens. Dani was married at 25, Claudia last year was 25. Maybe I was manifesting it for them more than for myself,” paliwanag pa niya.


Para kay Julia, mas mahalagang mahanap ang tamang taong makakasama niya sa buhay kaysa sundin ang planong itinakda niya para sa sarili noong mas bata pa siya.


Pabiro pa niyang sinabi na ayos lamang sa kanya kung sa edad na 40 o 50 siya magpakasal, basta ang makatuluyan niya ay taong magpapasaya sa kanya habambuhay.


"I think it's just more important to be with the right person."


Tinanong din si Julia kung ano ang maaaring maging dahilan para tuluyan siyang sumuko sa isang relasyon.


“I guess when I'm starting to feel taken for granted. Yeah,” sagot niya.


Naging karelasyon ni Julia ang aktor na si Gerald Anderson mula 2021 hanggang sa kanilang paghihiwalay noong Setyembre 2025.

bottom of page