top of page

Jennylyn Mercado, balewala sa ingay, proud mom kay Dylan

Kimberly Asis / Sari Story News

October 5, 2026 at 12:13:34 PM

Larawan ni Jennylyn Mercado at anak na si Dylan.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado.

INSTAGRAM / Jennylyn Mercado

Sa kabila ng ingay at muling pag-usbong ng isyu sa pagitan ni Jennylyn Mercado at ng kanyang dating nobyong si Patrick Garcia, tila pinipili ng aktres na ituon ang kanyang atensyon sa kanyang pamilya at personal na buhay.


Pinili ni Jennylyn na huwag nang makisangkot sa isyu. Nauna na niyang sinabi na hindi siya sasagot o makikibahagi sa mga panayam tungkol sa naging relasyon nila ni Patrick. Nanawagan din ang kanyang agency sa publiko na iwasan ang pambabash laban sa pamilya ni Patrick, lalo na sa kanyang anak na si Michelle.


Sa gitna ng patuloy na ingay tungkol sa isyu, nagbahagi si Jennylyn kamakailan ng mga larawan ng kanyang 4-anyos na anak na si Dylan Jayde.


Sa mga larawang ibinahagi noong Lunes, Oktubre 5, makikita si Dylan habang abala sa pagpipinta sa isang canvas. Bagama’t hindi ipinakita ang natapos niyang artwork, makikita naman sa mga larawan kung gaano niya ine-enjoy ang aktibidad.


Maikli ngunit sweet ang caption ni Jennylyn sa kanyang post.


“A canvas filled with wonder by my little artist,” ani Jennylyn, habang tinawag si Dylan na kanyang “little artist.”


Sa comment section, binati rin ni Jennylyn ang kanyang mga follower, “Happy Monday mga beshies ko!” kalakip ang isang heart emoji.


Marami rin sa kanyang mga kaibigan at follower ang nag-iwan ng sweet at positibong komento tungkol kay Dylan.


“Ang cute at talented, baby Dylan,” komento ng isa. Samantala, sinabi naman ng isa pang netizen, “Welcome to the club of a left-handed baby girl, born to be an artist.”


Pinuri rin ng iba ang pagiging malikhain ng bata at napansin ang pagkakahawig nito kina Jennylyn at Dennis.


Si Dylan ay anak ni Jennylyn kay Dennis Trillo. Ipinanganak siya noong Abril 2022, ilang buwan matapos ang intimate civil wedding ng mag-asawa noong Nobyembre 2021.


Sa paglipas ng mga taon, ilang family moments na rin ang ibinahagi nina Jennylyn, 39, at Dennis, 45, na tampok si Dylan at ang iba pa nilang mga anak na sina Calix at Alex Jazz.


Kabilang dito ang mga birthday celebration, holiday updates, at ilang sulyap sa kanilang pang-araw-araw na buhay bilang pamilya habang lumalaki ang kanilang mga anak. Naging bahagi rin si Dylan ng ilan sa endorsement content ng celebrity couple.

bottom of page