Han Hyo-joo, inimbitahan ang mga Pinoy fan na makipagkita sa Korea
Kimberly Asis / Sari Story News
September 24, 2026 at 12:06:15 PM
Personal na nagmensahe ang South Korean actress na si Han Hyo-joo sa kanyang matagal nang mga tagahangang Pinoy at inimbitahan silang makipagkita sa kanya habang nasa South Korea ang mga ito.
Pumunta sa Korea ang mga miyembro ng Han Hyo Joo Philippines sa pag-asang makita ang kanilang matagal nang iniidolo.
“Who would have thought that the one and only Han Hyo Joo would personally invite us just so she could see us and thank us in person?” pagbabahagi ng fan club sa isang kamakailang post.
Umaasa ang mga fan na masisilayan si Hyo-joo habang nagso-shooting ito. Isang linggo bago ang kanilang flight, nagkaroon ng pagkakataong makita sana ang aktres, ngunit hindi bukas sa mga bisita ang eksenang kinunan noong araw na iyon. Kaya nagdesisyon silang huwag nang umasa nang sobra at ipinagpatuloy ang kanilang itinerary sa Korea.
Isa sa kanilang mga pinuntahan ang Yongin, na naging filming location ng “Dong Yi,” isang drama na espesyal sa kanilang mga puso dahil si Hyo-joo ang gumanap bilang pangunahing karakter sa serye.
Pagkatapos ng kanilang pagpunta sa Yongin, sandali silang nagpunta sa Banpo Bridge. Doon, nag-post ang isa sa mga fan ng Instagram Story tungkol sa “kalokohang” ginawa nila matapos makita ang standee ni Hyo-joo bilang si Dong Yi.
Papunta na sana ang grupo sa Myeongdong para kumain ng samgyeopsal nang makatanggap ng hindi inaasahang mensahe ang isa sa mga fan mula kay Hyo-joo, ilang sandali bago sila sumakay ng bus.
Tinanong ng “Happiness” actress kung nasa Korea sila, binati sila sa pagpunta roon, at sinabi niyang kasalukuyan siyang nagfi-film ng “Your Ground.”
“I always wanted to meet you guys and say thank you,” isinulat ni Hyo-joo sa mensaheng ibinahagi ng fan club.
“If you guys have a little time tomorrow afternoon. Like 1pm then shall we meet just 30mins before I go to the shooting place.”
“And that was the moment everything changed,” pag-alala ng mga fan.
Ayon sa grupo, natulala sila dahil tinanggap na nila ang posibilidad na hindi nila makikita ang aktres sa kanilang biyahe.
“That moment we didn't know what to do and what to reply to her. Like...How were we supposed to calm down!?”
Dagdag pa nila, “Never in our wildest dreams did we imagine that Hyo Joo herself would be the one to invite us to meet her—just so she could see us and personally say thank you.”
Nakatulong din ang mga manager ni Hyo-joo na sina JongHun at JinYoung para maging posible ang pagkikita. Ayon sa fan club, isa sa mga manager ang sumundo sa kanila malapit sa isang convenience store at naghatid sa kanila sa laksyon ng biglaang meet-up.
“A very special thanks to Hyo Joo’s managers, Manager JongHun and Manager JinYoung for allowing her to meet us in person,” saad ng fans. “We’re truly grateful for making this precious moment possible.”
Sa kanilang pagkikita, nakipagkuwentuhan si Hyo-joo sa mga fan at nagpasalamat sa kanilang matagal nang suporta. Sa isang video na ibinahagi ng fan club, kinilala niya ang suporta ng mga ito sa loob ng 12 taon.
Hindi lang sa kanyang acting career nakatuon ang koneksyon ng fan club sa aktres. Ayon sa grupo, sinusuportahan ni Hyo-joo ang mga charity efforts sa Pilipinas mula pa noong 2007.
Tinanong din ni Hyo-joo kung saan sila susunod na pupunta. Sinabi ng mga fan na nablangko ang kanilang isip at ang Han River lang ang pumasok sa isip nila, kaya sa halip ay hiniling nila sa aktres na magrekomenda ng mga lugar na maaari nilang puntahan.
Nagbigay naman si Hyo-joo ng ilang rekomendasyon, kabilang ang mga lugar na maaaring kainan, na agad isinama ng mga fan sa kanilang plano.
“Our original itinerary basically became useless. Forget the itinerary—HyoJoo's recommendations became the new itinerary! Hahaha!” biro nila.
Sinunod din nila ang mga rekomendasyon ng aktres sa mga restaurant. Nagbiro pa sila na halos naubos ang natitira nilang pera sa kanilang huling araw sa Korea.
“But no regrets at all! If Hanhyojoo recommends it, then we have to try it!”
Nagbahagi rin ang mga fan ng mga larawan mula sa kanilang pagkikita, kabilang ang mga litrato kasama si Hyo-joo, mga bulaklak at mahabang liham na ibinigay nila sa aktres, isang personalized na tumbler, at iba pang regalo mula sa kanyang mga tagahangang Pinoy.
Bagama’t biglaan ang pagkikita, inilarawan ito ng fan club bilang isang emosyonal at hindi malilimutang karanasan matapos ang mahigit isang dekadang pagsuporta sa aktres.
“Thank you, Hyo Joo, and thank you to her managers for giving us a memory that we will treasure for the rest of our lives,” saad nila.
Ang Filipino fan community ay kabilang din sa ilang international fan groups na kamakailan ay nagpakita ng suporta kay Hyo-joo. Nagpa-surprise ang mga fans mula Thailand, Indonesia, Singapore at Pilipinas ng coffee truck para ipagdiwang ang kanyang bagong proyekto. May kasama itong drinks, snack boxes, sandwiches at prutas.
Tinapos ng fan club ang kanilang mensahe sa pagpapahayag ng patuloy nilang suporta sa aktres:
“We will love you and we will support you always and forever Hyo.”
“DON'T WORRY, WE ARE YOUR FANS and nothing to worry because YOU WILL ALWAYS BE OUR BEST ACTRESS. We love love love you so much HANHYOJOO!!”

