Eric Bauza, Filipino-Canadian voice actor ni Bugs Bunny, pumanaw sa edad na 46
Kim Asis / Sari Story Network
October 28, 2026 at 10:09:54 AM
Pumanaw sa edad na 46 si Eric Bauza, ang Emmy Award-winning voice actor at animator na kilala bilang boses nina Bugs Bunny, Daffy Duck, at marami pang cartoon character. Ayon sa mga tala ng Los Angeles County Medical Examiner, na iniulat ng Variety, pumanaw si Bauza noong Linggo sa kanyang tahanan dahil sa hypertensive cardiovascular disease.
Ipinahayag ng kanyang pamilya ang pagpanaw niya sa pamamagitan ng isang maikling pahayag na inilathala sa kanyang Instagram account.
“Eric Bauza, Emmy Award-winning voice actor and the modern voice of iconic Looney Tunes’ characters Bugs Bunny and Daffy Duck, along with dozens of other beloved cartoon characters, has passed away suddenly,” anila. “More details to come.”
Noong Miyerkules, Oktubre 28, nagbahagi ang kanyang pamilya ng mas mahabang pahayag bilang pagbibigay-pugay sa kanyang karera, pinagmulan, at pangmatagalang ambag sa industriya ng animasyon.
“It is with profound sadness that we remember Eric Bauza, the celebrated voice actor, animator, and Daytime Emmy Award winner whose extraordinary talent and unmistakable voice brought beloved characters to life for generations of audiences around the world,” mababasa sa pahayag.
Ipinanganak at lumaki si Bauza sa Scarborough, Toronto. Anak siya ng mga Pilipinong imigrante na lumipat sa Canada noong huling bahagi ng dekada 1960.
Nanatiling mahalaga sa kanya ang kanyang bayang kinalakhan sa buong takbo ng kanyang karera, kahit pa umabot sa iba't ibang panig ng mundo ang kanyang mga likha.
“Eric's journey from his Canadian hometown to becoming one of the most recognizable voices in animation is a testament to his remarkable talent, creativity, and lifelong passion for his craft.
"His connection to Toronto and the community where his story began remained an important part of his life as his work reached audiences across Canada, the United States, and around the world.”
Sa kabuuan ng kanyang karera, nakapagtala si Bauza ng mahigit 400 acting credits o mga proyekto sa pelikula at telebisyon bilang aktor. Nagsimula ito sa animated TV series na “The Ripping Friends” noong 2001. Dahil sa husay niyang magbigay-buhay sa iba't ibang karakter, nakilala ang kanyang boses sa maraming animated TV series at pelikula, lalo na sa prangkisa ng “Looney Tunes.”
Bukod kina Bugs Bunny at Daffy Duck, siya rin ang nagbigay-boses kina Porky Pig, Tweety, Elmer Fudd, Charlie Dog, at Road Runner, bukod sa iba pang mga karakter. Kabilang sa kanyang mga proyekto sa “Looney Tunes” ang “Looney Tunes Cartoons” at “Space Jam: A New Legacy,” gayundin ang pelikulang “Coyote vs. Acme” na ipinalabas ngayong taon.
Kabilang din sa iba pa niyang voice acting credits ang “Alvin and the Chipmunks: The Squeakquel,” “Scooby-Doo! Mystery Incorporated,” at “Ben 10: Omniverse.” Kabilang naman sa kanyang mga pinakabagong proyekto ang “Forgotten Island,” “Minions & Monsters,” “Rick and Morty,” at “Avatar: Seven Havens.”
Hindi lamang sa pagbibigay-boses sa mga karakter naging aktibo si Bauza. Nagtrabaho rin siya sa likod ng kamera bilang character designer sa mga proyektong “Good Vibe,” “The Drawn Together Movie!,” at “El Tigre: The Adventures of Manny Rivera.”
Dahil sa kanyang mga ambag sa animasyon, tumanggap siya ng ilang nominasyon at parangal mula sa industriya. Nominado siya nang limang beses sa Daytime Emmy Awards at nanalo ng tatlong parangal sa Children's & Family Emmy Awards.
Sa kauna-unahang seremonya ng Children's & Family Emmy Awards noong 2022, kinilala siya para sa “Looney Tunes Cartoons.” Muli siyang nagwagi para sa “Bugs Bunny Builders” noong 2023 at “Teen Titans Go!” noong 2025.
Sa kanilang pagpupugay, pinuri ng pamilya ni Bauza ang kanyang kakayahang bigyang-buhay ang mga klasikong karakter sa sarili niyang paraan habang pinananatili ang mga katangiang minahal ng mga manonood sa mga ito sa loob ng maraming henerasyon.
“With impeccable comedic timing, boundless creativity, and a deep appreciation for the artists who came before him, Eric made these iconic characters his own while preserving the magic audiences had cherished for generations. Through his performances, he became part of countless childhoods, family memories, and lives around the world,” saad ng kanyang pamilya.
Inalala rin nila si Bauza bilang isang mapagmahal na kapamilya at kaibigan na nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ng maraming tao, hindi lamang sa industriya ng animasyon.
"Eric's life extended far beyond the microphone. He was a beloved father, son, brother, fiancé, friend, and colleague whose presence touched countless lives throughout the animation community and beyond.
"While audiences knew and loved the characters he portrayed, those closest to him will remember the man behind the voice - his humor, his heart, and the personal connections that made him so special," dagdag ng kanyang pamilya.
Kasunod ng balita tungkol sa kanyang pagpanaw, nagpaabot ng pakikiramay at nagbigay-pugay ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng entertainment. Inalala nila si Bauza hindi lamang dahil sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang kabaitan.
Ibinahagi ng aktor at komedyanteng si Adam DeVine kung paano siya pinalakas ng loob ni Bauza noong una niyang voiceover project para sa “Uncle Grandpa.”
“Eric was always so kind and funny. I remember him giving me such words of encouragement on my first VO gig Uncle Grandpa. He was so generous and SO talented. He will be missed by all that knew him!”
Hindi rin makapaniwala sa pagpanaw ni Bauza ang voice actor at puppeteer na si Jayden Libran. Naalala niyang nagkausap pa sila ng yumaong aktor ilang sandali bago ito pumanaw.
“It still feels so... unreal. He was active just a few days ago. I spoke with him not long before then... God, I was so hoping it was fake when I heard it. Someone as kind and loving as him deserved far more years on this earth.
"Gone far too soon, and I don't know that I'll ever truly get past how overwhelmingly painful this loss has been for the animation community. My heart goes out to his sweet son, who lost an amazing father.”
Bago siya pumanaw, kasalukuyang nasa yugto ng pre-production si Bauza para sa “Bye Bye Bunny: A Looney Tunes Musical,” kung saan nakatakda sana siyang magbigay-boses kay Daffy Duck.

