Enchong Dee, ipinakita ang pagpapatingin sa Bangkok, mas mura kaysa sa Maynila
Sari Story
September 2, 2026 at 7:47:46 AM
Nagpunta kamakailan sa Bangkok, Thailand, ang aktor at host na si Enchong Dee para sa isang general medical check-up kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa isang Instagram Reel.
“I always considered good health as the biggest blessing,” ayon sa aktor sa kanyang caption, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng preventive wellness habang isinasama ang kanyang mga follower sa kanyang check-up sa Bangkok.
“So, today is a special day because I am having my first ever general checkup. I'm here in Bangkok and I'm so excited because this is my first ever checkup at 37. And I don't know what to expect but I'm so excited to see my biomarkers. Come, join me,” aniya.
Ipinakita rin ni Enchong ang ilang bahagi ng Bumrungrad International Hospital na inilarawan niyang pinakamahusay na ospital sa Bangkok.
“Quick disclaimer, this is not a paid post. This is actually something that I want to do for my peace of mind and to know if I'm actually healthy at my age. Always remember, health is wealth,” aniya.
Sa blood extraction, ibinahagi ni Enchong ang kanyang unang resulta at pabirong binanggit ang dami ng dugong kinuha sa kanya.
“I just got my vital signs and so far I’m low blood. We got a lot of blood,” aniya.
Napansin din niya na mas abot-kaya ang pagpapa-checkup sa Bangkok.
“Believe it or not, mas mura din dito magpa-check up as compared to Manila. So, nakatipid tayo,” ani Enchong.
Kasama sa kanyang pagbisita ang comprehensive physical evaluation. Ipinakita rin ng aktor ang mga pasilidad ng ospital at ang organisadong proseso ng kanyang check-up.
Ang kanyang karanasan ay kahalintulad ng mga executive medical package na iniaalok sa mga international patient, kung saan sumasailalim ang mga pasyente sa maraming pagsusuri at maaaring makatanggap ng detalyadong resulta sa loob ng parehong araw.
Bagama’t hindi maaaring i-record ang ilang bahagi ng examination, nakapagbahagi pa rin si Enchong ng ilang bahagi ng proseso.
“I can't take photos or videos of the process but I'm allowed to take photos or videos before. So, I have this,” paliwanag niya.
Isa sa mga pagsusuri ay para masukat ang kanyang cardiovascular fitness. Ayon kay Enchong, ipinaliwanag ng kanyang doktor na karaniwang umaabot sa heart rate na 155 ang general public sa loob ng walong minuto, habang inaabot naman ito ng mga atleta sa loob ng humigit-kumulang 12 minuto.
Naabot ni Enchong ang heart rate na 155 sa loob ng 13 minuto at isang segundo.
“I got mine at 13 minutes and 1 second. So, he's saying that whatever I'm doing, just keep doing it and I have a healthy heart. So, yay!” pagbabahagi niya.
Sumailalim din siya sa X-ray at abdominal examination. Napansin niya ang isang pulang bahagi sa scan, ngunit sinabi niyang tiniyak ng doktor na maayos ang lahat.
“Just finished my x-ray. I just finished my tummy and there was a red part but the doctor said everything is okay. They advised to just eat first. It's like a free buffet while waiting for your next check-up."
Ipinaalala rin ni Enchong sa mga nagpaplanong sumailalim sa katulad na medical check-up na kinakailangang mag-fasting nang 12 oras bago ang pagsusuri.
"Just a quick reminder, if you're planning to do this, you have to do a 12-hour fast,” aniya.
Matapos ang konsultasyon sa kanyang doktor, ibinahagi ni Enchong na halos lahat ng kanyang resulta ay maganda. Ang kanyang cholesterol lamang ang bahagyang lumampas sa itinakdang normal level.
“So, the normal cholesterol is 200 and I have 201.4. And then, basically everything is perfect and I'm so happy,” aniya.
Bukod sa mga standard examination, sumailalim din siya sa eye check-up, hair check-up, at food intolerance test, at wala namang nakitang problema.
“All my eyes are good. And no problem,” dagdag niya.
Nalaman din ni Enchong na ang kanyang biological age ay 36.5 batay sa assessment sa kanyang internal organs.
“I thought I would be younger but it is what it is,” pabirong pahayag ni Enchong.
Sa kabuuan, ikinasaya ni Enchong ang resulta ng kanyang unang comprehensive check-up at nagtapos sa isang mensahe ng pasasalamat.
“Success! Everything is good. Ang masasabi ko lang is, walang katumbas ang good health.”
Samantala, nagbalik-tanaw kamakailan si Enchong sa kanyang dating role nang makasama niya sa entablado ang “Pop Rock Royalty” na si Yeng Constantino.
Noong Biyernes, Agosto 28, muling nakasama ni Enchong si Yeng sa entablado sa opening night ng dalawang-gabing “Biyaheng Bente: 20th Anniversary Concert” sa Smart Araneta Coliseum.
Muli niyang ginampanan ang kanyang “Chinito” role para sa pagtatanghal ng OPM hit, 13 taon matapos niyang gampanan ang love interest ni Yeng sa official music video nito.

