top of page

Ellen Adarna, naging ‘playful’ sa ‘sustento’ ni John Lloyd para sa anak

Kimberly Asis / Sari Story News

September 16, 2026 at 11:19:35 AM

Litrato ni Ellen Adarna.

Isang screengrab ng larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna.

Instagram / Ellen Adarna

Kamakailan ay ibinahagi ni Ellen Adarna sa Instagram ang isang video ng kanyang sarili kung saan makikitang sinasampal siya sa mukha gamit ang isang bungkos ng pera. Hinikayat din niya ang kanyang mga followers na magbigay ng kanilang pinaka nakakatawang caption.


“Drop your best [caption] below. May the most unhinged caption win,” isinulat niya.


Ang post ay nag udyok pa sa isang follower tungkol sa posibleng “boyfriend reveal,” ngunit agad itong nilinaw ni Ellen at sinabing wala siyang bagong boyfriend.


Ayon kay Ellen, ang perang nasa video ay buwanang sustento ni John Lloyd Cruz para sa anak nilang si Elias.


“Monthly sustento to ni JL sa anak niya ahahha. Ginawa ko na lang play time ahahaha. Wala akong boyfriend noh! Please lang,” aniya.


Batay sa video, tila umabot sa daan-daang libong piso ang perang hawak niya. Nakisabay rin sa biro ang kanyang mga followers, kung saan ilan sa mga komento ay, “sinampal pero ginalingan” at “Ganitong sampal ang gusto ko.”


Nauna nang nagbahagi si Ellen tungkol sa kung paano nila ni John Lloyd hinahati ang mga responsibilidad bilang mga magulang. Minsan niyang ibinahagi na ang pangunahing buwanang pangangailangan ni Elias ay karaniwang umaabot sa humigit-kumulang ₱10,000. Gayunman, madalas umanong ipinipilit ng aktor na doblehin ang halaga, bagama’t mas gusto ni Ellen na patas ang kanilang kontribusyon bilang mga magulang.


Patuloy na ginagampanan ng dating magkasintahan ang kanilang responsibilidad bilang co-parents sa kanilang 8-anyos na anak na si Elias.


Noong Hunyo, nag-Boracay trip sina Ellen, John Lloyd, ang kasintahan nitong visual artist na si Isabel Santos, at si Elias. Kasama rin nila ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya, kabilang ang anak ni Ellen na si Lili, na anak niya sa kanyang dating asawa, sa aktor na si Derek Ramsay.

bottom of page