Doug at Chesca, proud parents matapos makamit ni Kendra ang swimming award
Sari Story
September 21, 2026 at 11:30:38 AM
Puno ng pagmamalaki ang celebrity couple na sina Chesca Garcia at Doug Kramer matapos tanghaling Most Outstanding Swimmer ang kanilang anak na si Kendra sa De La Salle Zobel (DLSZ) Invitational Swim Meet.
Ibinahagi ng 17-anyos na swimmer, model, at social media personality ang ilang larawan mula sa kompetisyon, kabilang ang kanyang mga medalya, tropeo, at mga kuha habang lumalangoy.
“Another goal checked, so many more to go,” caption ni Kendra sa kanyang Instagram post. "Thanful to the Lord."
Agad namang nagpahayag ng suporta ang kanyang ina na si Chesca.
“Always so proud of you,” komento ng dating aktres at content creator.
Samantala, nagbahagi rin sina Doug at Chesca ng isang joint post bilang pagpupugay sa dedikasyon ni Kendra sa paglangoy. Sa isang mahabang caption, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pananaw tungkol sa kahalagahan ng pagsuporta sa isang anak na may malaking pangarap.
“To every parent supporting a big dream: our greatest strength isn't pushing our kids across the finish line—it's being the rock they lean on through every setback, every early morning, and every quiet struggle.
“When a child feels your belief wrapped around them, they become relentless.”
Naalala rin ng mag-asawa na tatlong taon na ang nakalipas nang sumabak si Kendra sa parehong swimming meet, ngunit umuwi siya noon na walang dalang medalya.
“It took three years of relentless grind to get here. Australia training, targeted S&C, support of her coaches and showing up every single day to do the work in silence. Now she got one of her goals checked!”
Ibinahagi rin ni Doug, na dating manlalaro ng PBA, na ang pinakamalaking pangarap ni Kendra ay ang kumatawan sa Pilipinas sa swimming balang araw.
“Keep reaching for your dreams Kenny! Your mom and I will always be right behind you, cheering the loudest and believing in you every stroke of the way,” dagdag niya.
“Endlessly proud of you, Kendra. The best is yet to come!”
Makikita sa post ng mag-asawa ang mga larawan nilang tatlo, candid moments nina Doug at Kendra, behind-the-scenes shots, at mga kuha kay Kendra habang nakikipagkumpitensya.
Patuloy na ibinabahagi ni Kendra sa social media ang kanyang swimming journey. Noong nakaraang taon, nag-uwi rin siya ng walong medalya mula sa isang swimming championship sa Bangkok, Thailand.
Si Kendra ang panganay nina Doug at Chesca. Ikinasal ang mag-asawa noong 2008 at mayroon pa silang dalawang anak na sina Scarlett at Gavin.

