top of page

Dating PBB housemate Michael Sager, bagong co-host ng ‘Pinoy Big Brother’

Kimberly Asis / Sari Story News

October 6, 2026 at 10:32:15 AM

Larawan ni Michael Sager.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Michael Sager.

INSTAGRAM / Michael Sager

Opisyal nang inanunsyo ang dating housemate ng “Pinoy Big Brother” na si Michael Sager bilang pinakabagong co-host ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0.”


Si Sager, 23, ay inanunsyo bilang bagong miyembro ng hosting team noong Lunes, Oktubre 5. Makakasama niya ang mga regular na host ng PBB na sina Bianca Gonzalez-Intal, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Gabbi Garcia, at Alexa Ilacad para sa nalalapit na another collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.


Nagbukas ito ng panibagong yugto sa showbiz career ni Sager. Una siyang pumasok sa reality show bilang housemate noong Marso 2025 bago muling bumalik sa Bahay ni Kuya, ngayon naman ay bilang bahagi ng hosting team (change hosting team). Papalitan niya si Mavy Legaspi, na nagsilbing Kapuso host noong unang PBB Collab edition.


Noong nakaraan, nakatanggap si Mavy ng batikos online dahil sa tinawag ng ilang manonood na “cringe” at “awkward” na delivery niya sa live telecast ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Big Night” noong Pebrero.


Hindi rin kasama sa pinakabagong announcement video ang dating hosts na sina Kim Chiu at Luis Manzano. Bagama’t maaaring nagpahiwatig ito na hindi sila magiging bahagi ng paparating na season, wala pang opisyal na kumpirmasyon ang PBB kung muli silang mapapanood sa programa.


Sa kasalukuyan, abala ang dalawang host sa kani-kanilang proyekto. Si Luis ay host sa “Kapamilya Deal or No Deal,” habang si Kim naman ay bahagi ng noontimer show na “It’s Showtime.”


Ibinahagi naman ni Sager ang kanyang excitement sa bagong tungkulin sa pamamagitan ng isang behind-the-scenes video mula sa kanyang photoshoot. Sa video, makikita siyang nakasuot ng modernong barong.


“Yours truly, ang Kapuso wonder-host ni Kuya,” pahayag niya sa post, na hango sa dati niyang PBB moniker na “Ang Diligent Wonder Son ng Marinduque,” na ginamit niya noong pumasok siya sa reality show bilang housemate.


Sa isa pa niyang post, nagbahagi si Sager ng serye ng mga larawan mula sa photoshoot, kabilang ang isang kuha kung saan nakataas ang tatlo niyang daliri—isang pagtukoy sa ikatlong installment ng “PBB Collab.”


“Hello Philippines, Hello World, we are so back!” aniya. “Grateful to be given a new task by Kuya… this time as his host :)”


Samantala, malugod ding tinanggap ng PBB si Sager sa bago niyang tungkulin sa pamamagitan ng kanilang pinakabagong post.


“Hello, Online World! Naka-ready na si Michael Sager para sa kanyang move in sa PBB OnlineVerse!” saad ng PBB.


Unang nagbigay ng pahiwatig ang PBB tungkol sa pagdagdag kay Sager noong weekend sa pamamagitan ng isang post na nag-aanunsyo ng isang “bagong MakakaSama sa Bahay ni Kuya.” Agad namang nagsimulang manghula ang mga fans kung sino ang tinutukoy matapos maglabas ng teaser video at caption na may mga clue patungo sa isang personalidad may initials na M.S.


Masayang sinalubong ng mga manonood ang pagkumpirma kay Sager bilang bagong PBB host. Marami ang bumati at nagpahayag ng suporta para sa kanyang bagong role.


“Deserve ni Michael,” komento ng isang viewer, habang sinabi naman ng isa, “Yes, bagay siya mag-host.”


Naging housemate si Sager sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” noong Marso 2025. Bukod sa PBB, bahagi rin siya ngayon ng musical TV series na “Born to Shine.”


Inaasahang magsisimula ang “PBB Collab Edition 3.0” ngayong Oktubre, bagama’t wala pang opisyal na inihahayag na eksaktong premiere date.


Isa pa sa dapat abangan sa bagong edition ang bagong “Bahay ni Kuya.”


Lilipat ang PBB sa isang bagong bahay at ibang lokasyon matapos isara ang orihinal na “Bahay ni Kuya,” na naging tahanan ng reality show sa loob ng 21 taon mula nang magsimula ito. Ang bagong bahay ang magiging tahanan ng pinakabagong collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.

bottom of page