top of page

Carol Banawa, tumanggap ng Most Outstanding Migrant Award sa US

Kimberly Asis / Sari Story News

September 24, 2026 at 11:33:22 AM

Larawan ni Carol Banawa.

Isang screenshot ng larawan mula sa kanyang Instagram account.

INSTAGRAM / Carol Banawa-Crisostomo

Ginawaran ng Most Outstanding Migrant Award si Carol Banawa, dating mang-aawit at aktres na nagbagong-buhay bilang nurse sa United States, sa 2026 Global Migrant Award Heritage People’s Ball noong Setyembre 19.


Ipinahayag ni Banawa ang kanyang pasasalamat sa isang Instagram post noong Lunes, Setyembre 21. Binalikan niya ang malalaking pagbabagong pinagdaanan niya matapos iwan ang Pilipinas at magsimulang muli sa US.


“I am deeply humbled and incredibly honored to receive the Most Outstanding Migrant Award. To be recognized among so many inspiring individuals is a blessing I will forever cherish,” ani Banawa sa kanyang post.


Kilala sa mga kantang “Bakit ’Di Totohanin,” “Iingatan Ka,” at “Stay,” iniwan ng 45-anyos na si Banawa ang kanyang showbiz career sa Pilipinas at lumipat sa US noong unang bahagi ng 2000s. Inamin niyang hindi naging madali ang magsimulang muli at kinailangan niyang magsakripisyo nang malaki.


“When I left the Philippines, I also left behind a career that I loved. Starting over in a new country was not easy. There were moments of uncertainty, sacrifice, and countless long days, but I believed that every new beginning could lead to a greater purpose,” aniya.


Kalaunan, nakahanap siya ng bagong direksyon sa larangan ng healthcare. Nagsimula siya bilang Certified Nursing Assistant, bago naging Licensed Practical Nurse, at kalaunan ay Registered Nurse. Ngayon, isa na siyang Family Nurse Practitioner.


“Looking back, every challenge, every sacrifice, every late night, and every moment I wanted to give up brought me one step closer to this moment,” pagbabahagi niya.


Ibinahagi rin ni Banawa ang malaking papel ng kanyang pamilya sa kanyang pagharap sa mga pagbabagong ito. Pinasalamatan niya ang kanyang asawa at tatlong anak, na tinawag niyang kanyang “greatest inspiration,” gayundin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cherry sa patuloy nitong suporta. Inialay rin niya ang parangal sa kanyang yumaong mga magulang at kapatid.


Bukod sa kanyang sariling karanasan, ginamit ni Banawa ang pagkakataon upang kilalanin ang iba pang mga Pilipino at migranteng umaalis sa kanilang sariling bansa upang maghanap ng mas magandang oportunidad.


“As a proud Filipino, I accept this award on behalf of every migrant who has left home in search of a better future,” aniya.


“We Filipinos carry with us the values we learned from home — humility, perseverance, faith, compassion, resilience, and hard work. Wherever life takes us, we bring those values with us and continue to serve, love, and make a difference.”


Nagbigay rin ng mensahe si Banawa sa mga taong natatakot magsimulang muli o magbago ng direksyon sa buhay.


“To anyone who is afraid to begin again, who thinks it is too late to change, or who has been told that their dreams are impossible: Never let anyone define your limits,” aniya.


Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagbibigay-inspirasyon sa iba na magpatuloy sa buhay.“I stand here today as a reminder that it is never too late to begin again. With God’s grace, the love of family, and the courage to keep moving forward, anything is possible.”


Ang pagkilalang ito ay kasunod ng isa pang milestone sa paglalakbay ni Banawa sa US. Noong nakaraang taon, natapos niya ang kanyang Master of Science in Nursing degree.


Nakatakda rin siyang magtanghal sa “Carol Banawa: A Vegas Affair,” isang benefit concert na gaganapin sa Oktubre 17 sa Jackpot Bar & Grill sa Las Vegas, Nevada. Layunin ng concert-for-a-cause na makalikom ng pondo para sa Las Vegas Breast Cancer Warriors at The Filipino American Museum.

bottom of page