top of page

‘Lovely Runner’ star Song Ji-ho, ikakasal na kay Kim So-ri ngayong Oktubre

Kimberly Asis / Sari Story News

October 9, 2026 at 3:16:57 AM

Larawan ni Song Ji-ho at Kim So-ri.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Aalia.

INSTAGRAM / Aalia

Ikakasal na ngayong buwan ang “Lovely Runner” actor na si Song Ji-ho sa kanyang longtime girlfriend na singer-actress na si Kim So-ri.


Personal na ibinahagi ng magkasintahan ang balita noong October 6 sa pamamagitan ng mga handwritten letter na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram accounts. Kalakip nito ang mga larawan mula sa kanilang wedding photoshoot, kung saan makikitang elegante si Kim sa suot niyang gown habang katabi si Song.


Si Song, 34, na mas nakilala sa kanyang role bilang Im Geum, ang protective at maalagang kapatid ng pangunahing karakter sa hit K-drama na “Lovely Runner,” ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa kanyang partner at mga tagahanga. Binalikan niya ang matagal nilang relasyon at ibinahagi kung paano sila nanatiling magkasama sa kabila ng mga pagsubok at masasayang sandali.


“I have met someone with whom I can feel entirely at ease and happy, even in our simplest moments, and we want to build a life together,” isinulat ni Song. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga supporters at ibinahagi na madalas niyang binabalikan ang mga mensahe ng kanyang fans mula sa mga panahong nahihirapan siya upang makakuha ng lakas at comfort.


“I will never forget the love you have given me. I promise to keep striving to become a better person and actor.”


Nagbahagi rin si Kim, 36, ng sarili niyang letter at inaming parang hindi pa rin siya makapaniwala na kailangan na nilang ianunsyo ang kanilang engagement. Nagpasalamat siya sa mga taong patuloy na sumubaybay sa kanyang career mula nang magsimula siya.


Binalikan din niya kung gaano siya kasaya sa tuwing ibinabahagi sa kanya ng mga fans ang mahahalagang milestones sa kanilang buhay. Dahil dito, mas naging espesyal para sa kanya ang pagkakataong ibahagi naman ngayon ang sarili niyang milestone.


Sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang journey, sinabi ni Kim na si Song ang taong matagal na niyang hinahanap bilang life partner.


“He is someone who brings joy just by being present and who truly knows how to appreciate the small things. He makes life feel beautiful and comfortable.”


Dagdag pa niya, handa na silang harapin nang magkasama ang mga masasaya at mahihirap na bahagi ng buhay. "I would deeply appreciate it if you could look upon our new beginning with warmth and affection. Please pray for us to love each other well,” isinulat niya, at nangakong patuloy niyang ibibigay ang kanyang best sa mga fans sa mga susunod na taon.


Sa mga nakalipas na taon, nakilala si Song sa iba’t ibang television projects. Mas naging popular siya matapos gampanan ang role na Im Geum, kapatid ni Im Sol na ginampanan ni Kim Hye-yun, sa “Lovely Runner.” Nagpakitang-gilas din siya sa “Doctor Cha,” kung saan ginampanan niya si Seo Jeong-min, anak ng mga karakter nina Uhm Jung-hwa at Kim Byung-chul.


Samantala, nag-debut si Kim noong 2016 bilang miyembro ng idol group na Real Girl Project (R.G.P.). Bukod sa kanyang music career at paglabas sa iba’t ibang variety shows, mas pinalawak din niya ang kanyang acting portfolio. Kamakailan, napanood siya sa “Made in Korea,” isang South Korean-Indian co-production na inilabas ngayong taon sa Netflix.

bottom of page