top of page

P3.7 billion public funds, nasayang sa "Illegal reclamation projects" sa Laguna lake- Sen. Ping Lacson

Sari Story

September 1, 2026 at 3:52:42 PM

Larawan ni Senador Ping Lacson

“Batay sa mga opisyal na rekord at sa aming imbestigasyon, ang kabuuang halaga ng mga natukoy na natapos, isinasagawa (at sinuspindeng) proyekto ng DPWH para sa Flood Control at Multi-Purpose Projects sa mga ‘ilegal’ na Laguna Lakeshore Reclamation Areas sa Taguig City ay umabot na sa PHP3.713 bilyon,” pahayag ni Lacson sa isang post sa X. (Kuhang-larawan ng isang larawan mula sa Facebook page ni Senador Ping Lacson)

Mula sa Facebook page ni Senador Ping Lacson

Hindi bababa sa P3.713 billion na pondo ng bayan ang umano'y nasayang sa ilang mga proyekto na "illegal reclamation" ng Laguna Lake na sakop ng Taguig City.

Sa post ni Senator Ping Lacson sa kanyang X account, tinukoy niya na umabot na sa nasabing halaga ang nasayang na pera ng taumbayan dahil sa maling paggamit ng pondo.

Batay aniya ito sa mga nahalungkat na official records at imbestigasyon na ginawa ng senador at kanyang mga tauhan sa mga natukoy na tapos na at ongoing o suspended na DPWH Flood Control and Multi-Purpose Projects na bahagi ng iligal na Laguna Lakeshore Reclamation Areas sa lungsod ng Taguig.

"WASTED PUBLIC FUNDS DUE TO MISUSE: Based on official records and our investigation, the total cost of Identified completed, ongoing (and suspended) DPWH Flood Control and Multi-Purpose Projects along the ‘illegal’ Laguna Lakeshore Reclamation Areas in Taguig City has so far reached ₱3.713 billion," post ni Lacson sa kanyang X account.

Ipinunto ni Lacson na hindi pa kasama sa P3.713 billion ang mga maanomalyang slope protection at flood mitigation projects sa kahabaan ng Taguig River na nasasangkot naman sa dobleng pagpopondo at ghost projects matapos gumamit ng mga recycled na larawan para sa iba't ibang nakumpletong proyekto para makapaningil.

"These do not include other anomalous Slope Protection and Flood Mitigation projects along Taguig River involving double appropriations and 'ghost' projects using recycled photographs in different 'completed' projects, for billing purposes," dagdag niya.

Batay sa mga opisyal na rekord at sa imbestigasyon niya at ng kanyang grupo, sinabi ni Lacson na kabilang sa "Top 5" contractors na may hawak sa mga proyektong may halagang P2.372 billion ang:

1) Dahl Construction: ₱858.22 milyon, para sa limang solo projects na nagkakahalaga ng P571.5 milyon at apat na joint venture na may kabuuang P286.7 milyon;

2) J.C. Uyecio: ₱483.1 milyon, para sa apat na joint venture;

3) Toughbuilt: ₱434.2 milyon, para sa tatlong solo projects;

4) Topnotch: ₱329.9 milyon, para sa dalawang joint venture kasama ang Core Check at isa kasama ang Beam Team; at


GR Fervidal: ₱266.6 milyon, para sa limang solo multi-purpose building projects.


Nauna namang sinabi ni Lacson na tiniyak sa kanya ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na maglalabas ang ahensya ng cease-and-desist orders sa mga proyektong konektado sa illegal reclamation.

Nitong linggo lamang ay nailabas na ng DPWH ang mga cease-and-desist order para mapatigil ang illegal reclamation matapos makatanggap ng direktiba mula sa Office of the President na ipinadaan sa Philippine Reclamation Authority (PRA).

bottom of page