Iran, nangakong magpapatuloy sa pakikipaglaban hanggang “magsisi ang mga aggressor”
Sari Story
September 9, 2026 at 8:38:42 AM
DUBAI – Patuloy na lalaban nang buong tapang ang Iran hanggang pagsisihan ng mga “aggressor” o mananakop ang kanilang ginawa at maipagtanggol ang mga karapatan ng bansa, ayon kay Iranian President Masoud Pezeshkian nitong Martes, habang ipinapakita ng Tehran ang mas matigas na paninindigan.
“Palaging tutol sa digmaan ang Islamic Republic of Iran at itinuturing nitong nakasalalay sa pag-iwas sa tunggalian ang pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at seguridad ng rehiyon. Gayunman, tulad ng matapang nitong pagtatanggol laban sa agresyon hanggang sa kasalukuyan, ipagpapatuloy nito ang paglaban nang buong tapang hanggang magsisi ang mga aggressor at mananatili itong tagapagtanggol ng mga karapatan ng mamamayan (The Islamic Republic of Iran has always been against war and has considered the preservation of people's interests and regional security to lie in refraining from conflict. However, just as it has boldly risen to defend against aggression up to this day, it will continue this resistance with strength until aggressors become regretful and will remain guardian of people's rights),” ani Pezeshkian sa kanyang post sa X.

