top of page

Distribusyon at Information Drive sa gamot na Doxycycline at Leptospirosis, iginiit ng dalawang Senador

Sari Story News

September 4, 2026 at 12:53:17 PM

Larawan ni Senador Raffy Tulfo.

Kuhang-larawan ng larawan ni Senador Raffy Tulfo mula sa Facebook page ng Senado ng Pilipinas.

Voltaire F. Domingo / Senate Social Media Unit

Pinamamadali ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Health (DOH) ang distribusyon ng gamot laban sa leptospirosis ngayong marami ang nagkakasakit nito dahil sa mga pagbaha.


Sa pagdinig sa panukalang budget ng DOH para sa susunod na taon, sinabi ni DOH Secretary Edwin Mercado na nakapamahagi na ang DOH ng 2.5 million na gamot kontra leptospirosis at may stock pa sila na 3.1 million.


Giit ni Tulfo, ipamigay na ang mga gamot at huwag nang iimbak ito ng matagal sa mga warehouses dahil marami nang namamatay sa leptospirosis.


"I-distribute niyo na 'yan. Ang daming nangangailangan, ang daming mga lugar na binabaha ngayon, ang daming mga pasyente ng leptos. Pamigay na 'yan. Hindi i-stock-stock", giit ni Tulfo.


Sumangayon naman si Mercado at sinabing ilalabas na ang mga gamot.


Iginiit naman ni Senator Christopher "Bong" Go sa DOH na palakasin pa ang information campaign ukol sa pangangailangan na mag doxycycline kapag lumusong sa baha dahil maaaring marami ang hindi nakakaalam


Aniya, lumusong siya sa baha sa Bulacan at nagdoxycline lang siya dahil napayuhan ng doktor ng Senado at naikwento pa na may daga sa kanyang bahay at sa kanyang opisina rito sa Senado.


"Paano na lang po yung sa iba't ibang parte ng bansa na nakakalat po yung daga? Ako mismo naglalakad rin po ako sa baha. So paano yung mga kababayan natin na, 'di ba delikado po itong leptospirosis?

In fact last week sumubsob po ako sa daga— sa baha. Daga, natuloy naaalala ko. Sumubsob po ako sa baha sa Bulacan. Binigyan ako ng doktor dito sa Senado", ani Go.

bottom of page