top of page
Umakyat sa 7.8% ang headline inflation sa Pilipinas noong Oktubre
Paraluman News; Isinalin ni Sandra Samala-Salem/ Sari Story Network
November 5, 2026 at 9:45:48 AM
Umakyat sa 7.8 porsiyento ang headline inflation sa Pilipinas noong Oktubre 2026, mula sa 7.2 porsiyento noong Setyembre, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Sa isang press briefing, iniugnay ni National Statistician Dennis Mapa ang pagbilis ng pagtaas ng presyo sa pangunahing bahagi sa mas mataas na gastos sa transportasyon, pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang panggatong na ginagamit sa mga tahanan.
—Paraluman News, batay sa ulat ni Anna Leah Gonzales/Philippine News Agency
bottom of page

