top of page

Pilipinas, naghahangad ng mas malalim na ugnayang pang-ekonomiya sa Hong Kong

Sari Story

September 8, 2026 at 3:45:58 AM

Larawan ng mga gusali sa Metro Manila

Pangkalahatang tanawin ng Metro Manila

Alexes Gerard / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

Tinalakay ng economic team ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga oportunidad para sa kalakalan at pamumuhunan sa Pilipinas sa isang economic briefing sa Hong Kong.


Ayon sa Department of Finance (DOF), sinabi nito sa isang pahayag na pinagsama-sama ng Philippine Economic Briefing na ginanap nitong Lunes ang mga lider ng negosyo, investor, institusyong pinansyal at mga negosyante upang talakayin ang mga oportunidad sa Pilipinas at higit pang palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa bansa.


“Ang Hong Kong ay isang pandaigdigang sentro ng pananalapi at nagsisilbing daan patungo sa Asya. Ang Pilipinas ay isang ekonomiyang mabilis na lumalago, na may talento, malawak na merkado, likas na yaman at estratehikong lokasyon sa rehiyon. Magkatuwang ang ating mga kalakasan,” ani Finance Secretary Frederick Go sa kanyang keynote speech.

(Hong Kong is a global financial center and a gateway to Asia. The Philippines is a fast-growing economy with talent, scale, resources, and a strategic location in the region. Our strengths complement each other.)


Sa briefing, binigyang-diin ng economic team ang mga repormang naglalayong gawing mas madali ang pagnenegosyo sa bansa.


Kabilang dito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act, bagong Public-Private Partnership (PPP) Code, mas mahahabang termino ng investment lease, Green Lanes para sa mga estratehikong pamumuhunan, mga reporma sa right-of-way, Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA), Enhanced Mining Fiscal Regime Act, at mga hakbang upang mabawasan ang gastos sa negosyo at mapabilis ang mga transaksyon.

Binigyang-diin din ng economic team ang matatag na pundasyon ng ekonomiya ng bansa, patuloy na paglago ng remittances, business process outsourcing at exports sa kabila ng nagpapatuloy na geopolitical instability.


Ayon sa DOF, layunin ng pamahalaan na makahikayat ng mas maraming pamumuhunan sa mga sektor na lilikha ng de-kalidad na trabaho at magpapalakas sa domestic production, kabilang ang semiconductors at electronics, mineral processing, pharmaceuticals at medical devices, pagkain at agrikultura, bakal, renewable energy, imprastraktura at turismo.


bottom of page