top of page

Mga produktong Amerikano, bino-boycott na ng ilang Canadian dahil sa tumitinding alitan

Sari Story

September 3, 2026 at 1:17:35 PM

Larawan ng Gordie Howe International Bridge

Kuha sa Gordie Howe International Bridge sa Windsor, Ontario, Canada nitong Setyembre 1, 2026.

Kuha mula sa Wix

OTTAWA — Mahigit 20 taon nang nakatira si Diane Hosker sa Trump Avenue sa kanlurang bahagi ng Ottawa, isang lugar na may mga pangalan ng kalsadang hango sa New York City gaya ng Central Park, Bloomingdale Street at Gotham Private.

 

Hindi kailanman naging paborito ni Hosker ang pangalan ng kalsada, na itinakda noong nakilala si U.S. President Donald Trump bilang isang real estate developer sa Manhattan. Ngayon, sa gitna ng lumalalang trade war at tumitinding palitan ng maaanghang na pahayag, isinusulong ng city council na palitan ang pangalan nito.

Ang mga pinakahuling hakbang ni Trump, kabilang na ang pagpataw ng mga bagong taripa sa mga produktong mula Canada at paglagda sa isang executive order na nagpapalit ng pangalan ng Lake Ontario bilang “Lake America,” ay muling nagpasiklab ng galit at pagiging makabayan ng mga taga-Canada, na kilala pa naman sa pagiging mahinahon.


May ilang Canadians din na nag-boycott na ng mga produktong Amerikano at tumigil sa pagbiyahe sa south border mula nang bumalik sa puwesto si Trump noong unang bahagi ng 2025. Pero ang panibagong pag-atake niya laban sa Canada ay maaaring humantong sa mas permanenteng lamat sa samahan ng dalawang matagal nang magkaalyadong bansa. Mula sa mga pangalan ng kalsada hanggang sa supply chains at mga booking para sa bakasyon, unti-unting pinuputol ng mga Canadian ang kanilang pang-araw-araw na ugnayan sa Estados Unidos sa paraang maaaring magtagal kahit matapos ang  alitan sa kalakalan.


“(Trump) is just the king of chaos and destroying everything and nothing good ever comes out of this man,” sinabi ni Hosker sa Reuters.


“I just don’t like the way he makes fun of Canada,” aniya, at idinagdag na nahihiya siyang sabihin sa ibang tao na nakatira siya sa isang kalsadang ipinangalan kay Trump.


Sabi ni Ottawa City Councillor Riley Brockington, gumagawa na siya ng mga hakbang upang palitan ang pangalan ng Trump Avenue. Kabilang sa mga mungkahi ang TACO, na tumutukoy sa “Trump Always Chickens Out,” o kaya naman ay ipangalan ang kalsada sa dating U.S. President Barack Obama.


“Street names in Canada’s capital are named after people of honor and integrity and (who) work in partnership, in this case, with Canada,” ani Brockington.


“(Trump) does not meet any of those standards,” dagdag pa niya.


Wala naman tugon ang White House nang hingan ng komento ukol dito.


Batay sa  Abacus Data poll na inilabas noong nakaraang linggo, mahigit 70% ng mga Canadian ang sumusuporta sa desisyon ni Prime Minister Mark Carney na suspendihin ang trade talks sa Estados Unidos, sa kabila ng posibilidad ng pagkawala ng mga trabaho at maapektuhan ang ekonomiya.  Samantala, ipinakita ng isang Reuters/Ipsos poll na 20% lamang ng mga Amerikano ang sumusuporta sa taripa sa mga produktong Canadian, at mas kakaunti pa ang sang-ayon sa pagpapalit ng pangalan ng Lake Ontario.


Ang ilang dual citizens, lalo pang pinagtibay ang kanilang ugnayan sa Canada.


Si Sara Seager, isang Canadian-American astrophysicist na umalis sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), lilipat na sa Toronto matapos kunin ng University of Toronto bilang bahagi ng hakbang ng administrasyong Carney na makahikayat ng mga nangungunang academic mula sa ibang bansa.


Sinabi ni Seager na nang i-renew niya ang kanyang Canadian passport, ipinaliwanag niya sa mga opisyal kung bakit siya bumalik sa Canada.


“I explained how Prime Minister Carney is giving over a billion dollars to recruit top talent from all over, but especially Canadians, to come home to help Canada become more sovereign from the U.S. in technology, trade and defense,” aniya.


“The amount of Canadian pride in that row of passport offices was heart-melting,” dagdag pa niya.


PAGPUTOL SA UGNAYAN


Sinabi ni Ashley Chapman, chief operating officer ng Chapman's Ice Cream, isang family-owned Canadian company, na binago na ng kanilang kompanya ang paggamit ng mga sangkap mula Estados Unidos mula nang unang magpatupad si Trump ng taripa sa Canada noong nakaraang taon.Pagsapit ng kalagitnaan ng 2027, target ng kompanya na mabawasan nang 70% ang paggamit nito ng mga sangkap mula U.S.


“We’ve got years left of Trump in power and we need to figure out how we insulate ourselves,” ani Chapman. Sa mga nakalipas na buwan, sinabi ni Chapman na pinutol na ng kompanya ang ugnayan nito sa siyam na matagal nang U.S. suppliers at kumukuha na ng mga sangkap gaya ng almonds at cherries mula Australia at Chile.


Nangako rin si Chapman na hindi magtataas ng presyo sa gitna ng trade war, kahit pa maapektuhan ang profit margins ng kompanya.


“That is a price I’m willing to pay, to say that we will not be bullied and we will not be treated like this by what used to be our closest ally and friend,” aniya.


Samantala, sinabi ni Dave Samojlenko, isang 53-anyos na programmer sa Ottawa, na kinansela na niya ang kanyang subscriptions sa mga U.S. streaming service gaya ng Netflix at ipinangakong hindi na magtutungo sa Estados Unidos habang nananatili sa puwesto si Trump.


“We're an independent nation and we should stand up for ourselves,” aniya.


“I haven't traveled (to the U.S.) since this last administration came in and I probably won't until at least they're gone and probably long after,” dagdag pa niya.



Ayon sa opisyal na datos, bumaba ng 10.6% ang bilang ng mga bumibisita sa Estados Unidos sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Bumagsak din ng 13.6% ang gastos sa paglalakbay patungong U.S. sa C$5 bilyon ($3.6 bilyon) habang lumalakas naman ang domestic tourism.


Kinumpirma ni Megan Woodward, isang travel agent na nakabase sa Edmonton, na nakakita siya ng panibagong pagbabago mula nang magkaroon ng pinakabagong banta ng karagdagang taripa.


“We're not getting bookings to the U.S. anymore, and (Canadians) are very vocal about where they want to spend their money. If we recommend a U.S. vacation, a lot of people are very much against that. They want to keep their dollars in Canada or are very happy to spend them in Europe,” ani Woodward.


($1 = 1.3903 Canadian dollars)


bottom of page