top of page

China, hinimok ang EU na suriin ang epekto ng mga bagong bayarin sa mga inaangkat na produktong mababa ang halaga

Isinalin ng Sari Story Network

November 6, 2026 at 2:23:49 AM

Larawan ng isang pakete

Iniaabot sa isang mamimili ang isang pakete.

RoseBox رز باکس / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

Sinabi ng Commerce Ministry ng China nitong Huwebes na labis itong nababahala sa mga bagong hakbang ng European Union (EU) hinggil sa mga inaangkat na produktong mababa ang halaga at hinimok ito na maingat na suriin ang magiging epekto ng mga ito.


Ayon sa ahensya, nagbibigay ng mas maraming pagpipilian sa mga mamimili at negosyo ang cross-border e-commerce o pagbili at pagbebenta ng mga produkto sa pamamagitan ng online platforms sa pagitan ng iba't ibang bansa.


Ipinahayag din nito ang pag-asang lilikha ang EU ng mga kondisyong pabor sa kooperasyon ng China at EU sa larangan ng e-commerce at mga kaugnay na sektor.


Noong Nobyembre 1, sinimulan ng EU ang paniningil ng karagdagang €2 ($2.25) na bayad sa mga paketeng inaangkat na mababa ang halaga, kasunod ng pagpataw nito ng €3 taripa sa mga naturang padala noong Hulyo.


Apektado ng hakbang na ito ang mga Chinese e-commerce platform, kabilang ang Shein at Temu.


(Batay sa palitang halaga na $1 = €0.8880.)


bottom of page