top of page

Voting Threshold para sa paghatol kay VP Sara Duterte, ikinukunsiderang baguhin ng Senate Impeachment Court

Sari Story News

September 4, 2026 at 12:44:06 PM

Larawan ni Senate Majority Leader Migz Zubiri.

Isang screen grab ng larawan ni Senador Migz Zubiri mula sa Facebook page ng Senado ng Pilipinas.

Wendell D. Alinea / Senate Social Media Unit

Pinagaaralan ng ilang mga senator-judges na baguhin ang voting threshold sa impeachment trial para sa conviction o pagbibigay ng hatol kay Vice President Sara Duterte.


Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, ilang mga senador ang gustong mapag-aralan ang voting threshold na 16 para sa kinakailangang boto sa pagpapataw ng guilty verdict kay Duterte.


Sa tingin ni Zubiri, pangunahing isyu ng ilang mambabatas na ikunsidera ang threshold sa bilang ng boto sa impeachment ay dahil ilang senador na rin ang hindi makadalo sa paglilitis dahil nakakulong at isa ang nagtatago.


Sinabi ni Zubiri na maaari itong pagdebatehan ng mga mambabatas at pwede rin itong kwestyunin sa Korte Suprema.


"There are some senators that have questioned the threshold and it may come up sooner or later. There are those who are detained, one is at large. So I think that’s the issue now", paliwanag ni Zubiri.


Kabilang sa mga senador na hindi nakakadalo sa impeachment trial ay sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Rodante Marcoleta na nakakulong, Senator Ronald "Bato" dela Rosa na kasalukuyang nagtatago at Senator Loren Legarda na nakamedical leave.


Sa kabilang banda ay nagkakaisa naman aniya silang mga senador na tapusin ang impeachment trial hanggang sa Disyembre upang makatuon na sila sa ibang mga gawain ng Senado at makapagsimula na sa paghilom ang bansa.

bottom of page