top of page

Sen. Joel Villanueva, umapela sa Nlex na i-waive o i-refund ang binayarang toll fee ng mga na-stranded sa Nlex

Sari Story News

September 2, 2026 at 9:57:43 AM

Larawan ni Senador Joel Villanueva.

Screenshot ng larawan ni Senador Joel Villanueva mula sa opisyal na Facebook page ng Senado ng Pilipinas.

Joseph B. Vidal / Senate Social Media Unit

Umaapela si Senator Joel Villanueva sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na i-waive o i-refund ang toll fees ng mga motoristang na-stranded ng 22 oras o halos buong araw dahil sa baha sa bahagi ng San Simon sa Pampanga.

Ipinunto ng senador na hindi lang simpleng inconvenience ang maipit sa expressway ng mahabang oras kundi usapin din ito kaligtasan at kapakanan ng mga tao.

Giit ni Villanueva, nagbayad ng toll ang mga motoristang naipit ng mahabang oras sa baha pero hindi ganito ang serbisyong tinatamasa ng mga kababayan mula sa serbisyong kanilang binayaran.

"Naniniwala rin tayo na dapat ikonsidera ng NLEX management ang pag-waive o pag-refund ng toll fees para sa mga motoristang matinding naapektuhan ng prolonged closure. Nagbayad ka na ng toll, naipit ka pa sa baha. Hindi po iyon ang serbisyong binayaran ng ating mga kababayan", diin ni Villanueva.

Sinabi rin ng senador na dahil sa baha ay hindi nakadalo ng impeachment trial si Senator Lito Lapid at late na itong nakarating sa sesyon ng hapon.

"I wish that our good friend Sen. Lito Lapid would also give us some information about this matter because I was told that he was totally affected coming here today… with regard to what happened in NLEX", ani Villanueva.

Maging si Senator Robinhood Padilla ay kasama rin sa naipit sa traffic sa NLEX nitong Lunes.

Pinuna rin ni Villanueva ang kakulangan sa pagpapakalat ng impormasyon at kawalan ng signage para sa rerouting ng mga motorista Central Luzon Link Expressway (CLLEX) at sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) kaya naipit sa expressway ang mga motorista.

Ipinunto pa ng mambabatas na ang kaparehong pagbaha ay nangyari na rin noong 2023 at nakita ngayon na hindi sapat o hindi epektibo ang solusyong inilatag noon ng DPWH at NLEX.

"Hindi po puwedeng pump out ngayon, baha ulit bukas, tapos pump out na naman. That is emergency response, not a permanent solution", dagdag pa ng senador.

bottom of page