top of page

Sen. Jinggoy Estrada, iginiit na gagawin ang lahat ng legal na remedyo sa kanyang kaso

Sari Story News

September 2, 2026 at 9:46:34 AM

Senador Jinggoy Estrada.

Screenshot ng larawan ni Senador Jinggoy Estrada mula sa opisyal na Facebook page ng Senado ng Pilipinas.

Wendell Alinea/Senate Social Media Unit

Tiniyak ni Senator Jinggoy Estrada na gagawin niya ang lahat ng legal na remedyo kaugnay sa kinakaharap na plunder at graft cases sa Sandiganbayan patungkol sa maanomalyang flood control projects.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos na magdesisyon ang Sandiganbayan 5th Division na pagbigyan ang mosyon na alisin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang co-accused ni Estrada sa mga kaso kaugnay sa flood control kickback scheme.

Sinabi ni Estrada na iginagalang niya ang desisyong ito ng Sandiganbayan sabay giit na may mga legal na remedyo pa siyang pwedeng gawin sa ilalim ng judicial system.

Pag-aaralan aniyang mabuti at isusulong ng kanyang legal team sa tamang oras ang mga nararapat na aksyon at nais niyang gamitin ang lahat ng legal na paraan na ipinagkaloob ng batas.

"While I respect the decision of the Sandiganbayan, I wish to emphasize that there remain legal remedies available to me under our judicial system, which my legal team will carefully study and pursue at the appropriate time", ayon kay Estrada.

Idiniin pa ng senador na ang pagbawi ng Sandiganbayan sa kaso ni Bonoan ay hindi nangangahulugan na katapusan na ng kanyang mga legal na hakbang at patuloy aniya siyang magtitiwala sa due process at sa rule of law.

Patuloy din niyang magiging sandigan ang katotohanan at itutulak ang anumang legal na pamamaraan para maprotektahan ang kanyang karapatan at malinis ang kanyang pangalan at dangal.

"This development does not end my legal recourse, and I will continue to place my trust in due process and the rule of law. My faith in our judicial system remains firm. I will continue to stand by the truth and pursue every lawful means available to protect my rights and clear my name and honor", giit pa ng senador.

bottom of page