top of page

Pagpapalakas sa Anti-Corruption Powers ng Ombudsman, inihain sa senado

Sari Story News

September 2, 2026 at 4:41:57 AM

Larawan ni Senador Ping Lacson.

Screenshot ng larawan ni Senador Ping Lacson mula sa opisyal na Facebook Page ng Senado ng Pilipinas.

Wendell D. Alinea / Senate Social Media Unit

Isinusulong ni Senator Ping Lacson ang pagpapalakas sa Anti-Corruption Powers ng Office of the Ombudsman.


Sa Senate Bill 2394 na inihain ni Lacson, itinutulak ang pagtatag ng sariling law enforcement service ng Office of the Ombudsman na tatawaging Marshall Service.


Batay sa panukala, ang Ombudsman Marshall Service ay bibigyan ng kapangyarihang magsagawa ng pag-aresto at pagdetine, paghahalughog at pagsamsam alinsunod sa batas.


Paliwanag ni Lacson, pagpapakita ito ng suporta sa ahensya lalo't mahirap ang trabaho ng Ombudsman dahil sa tambak na mga hawak na kaso na may kinalaman sa katiwalian.


Kasama na ang mga kaso kaugnay ng Flood Control Scandal , Reclamation Projects at iba pang Infrastructure Projects.


"At least ang aking bill na filed, bibigyan sila ng sarili nilang law enforcement arm focusing on graft and corruption cases under the mandate of the Ombudsman... dahil na-appreciate ko ang hirap ng kanilang trabaho. Pwede mag-apply for search warrant, mag-serve ng arrest warrant, para medyo mapadali ang kanilang buhay" ani Lacson.


Iginiit pa ni Lacson na kailangan ng Ombudsman ng sarili nitong law enforcement arm dahil sa ngayon umaasa pa sila sa PNP at NBI para sa imbestigasyon at pagsisilbi ng warrant.

bottom of page