Paggamit ng Alias, Ipinaliwanag ni Senator-Judge Tito Sotto III
Sari Story
September 1, 2026 at 11:07:30 AM
Nilinaw ni Senator-judge Tito Sotto III ang tungkol sa paggamit ng alias na naging paksa ng pagtatanong ni Senator-judge Robinhood Padilla kay Atty. Mae Divinagracia sa impeachment trial noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Sotto na nasagot ni Divinagracia ng prosecution team ang tungkol sa paggamit ng alias batay sa kanilang journal at ang pinatutungkulan ng prosecution lawyer ay ang Republic Act 6085 na nagre-regulate sa paggamit ng aliases.
Sinabi ng senator-judge na pinapayagan lamang ang paggamit ng alias para sa pseudonyms sa literatura, pelikula, telebisyon, at iba pang entertainment purposes.
"But just for the record, so that for the public and for us, the general rule, Mr. President, that she [Atty. Divinagracia] mentioned is Republic Act 6085, regulating the use of aliases. It's only allowed in the Philippines only for pseudonyms, solely for literary, cinema, television and other entertainment purposes. Therefore, if there is a person behind the alias, then it is an alias", paliwanag ni Sotto.
Kung walang totoong tao sa likod ng alyas, ito aniya ay fictitious name o pekeng pangalan.
"If there is no person behind the name, it is a fictitious name or a fake name", pahayag pa ni Sotto.
Matatandaang iniugnay ni Padilla sa mga bayani na gumagamit noon ng alias sa panahon ng gyera at tinukoy din na kahit si dating Senator Benigno Ninoy Aquino Jr. ay gumamit din ng alias na Marcial Bonifacio.
Ginawa ni Padilla ang pahayag bunsod na rin ng paggamit ng alias o codename sa mga acknowledgement receipts na pinagbigyan ng confidential funds.
Nauna namang sinabi ni Divinagracia na sa ilalim ng Anti-Alias Law, pinapayagan naman ang paggamit ng alias basta't nakasaad din dito ang tunay na pangalan.

