top of page

Army Officer, nilinaw sa Impeachment Trial na walang ibinigay na confidential funds ang Deped

Sari Story News

September 2, 2026 at 4:18:26 AM

Larawan ng kahon na may nakalagay na 'confidential funds'.

Screenshot ng isang larawang inilathala sa opisyal na Facebook page ng Senado ng Pilipinas.

Senate Social Media

Wala umanong natanggap na confidential funds mula sa Department of Education (DepEd) ang 1st Infantry "Tabak" Division para sa pagsasagawa ng Youth Leadership Summit (YSL) noong 2023.

Sa pagharap ni Army Colonel Manaros Boransing II sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kinumpirma niyang walang na-download o ibinigay na confidential funds ang DepEd sa kanyang unit para sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Sinabi ng army officer na bagamat isinagawa ang YLS kasama ang DepEd, hindi naman niya alam kung paano binayaran ng ahensya ang kanilang mga gastos.

"I have no knowledge on [DepEd’s] source of funds. I can only speak for us. There were no DepEd funds downloaded to our unit", pahayag ni Boransing.

Samantala, inamin ng mga military officers na hindi nila alam na gagamitin ng DepEd sa liquidation ng confidential funds ang military certification na kanilang inisyu para sa YSL.

Ang naturang sertipikasyon na kanilang inisyu ay ginamit ng DepEd para sa pagpapaliwanag sa paggastos ng P15.54 million na confidential funds ng ahensya.

Sa naging pagtatanong ni Senator-judge Ping Lacson, sinabi ni Boransing na hindi siya intelligence expert kaya hindi niya masasagot ang patungkol sa mga usapin sa intelligence.

Maging si Panopio ay sinabing nalaman lang nila ang tungkol sa paggamit ngn DepEd sa certification para sa liquidation ng confidential funds noong nagsagawa ng pagdinig ang Kamara noong Oktubre 17, 2024.

Inamin din ng military officer matapos matanong ni Atty. Reynaldo Robles ng prosecution team na nagulat siya na ginamit sa pagpapaliwanag ng confidential funds ang kanilang certification.

"Medyo nagulat po kami kasi yun pong aming certification is only for the certification that we conducted the Youth Leadership Summit. Hindi po namin sine-certify anything about money or funds", pahayag ni Robles.

bottom of page