top of page

Alex Eala, nabigo sa gold medal bid sa Asian Games matapos talunin ng Chinese player na si Wang

Sandra Samala-Salem

October 1, 2026 at 1:04:20 PM

Larawan ni Alex Eala

Alex Eala, nabigo sa kanyang gold medal at Olympic qualifying bids sa Asian Games matapos siyang talunin ni Wang ng China sa three-set match.

Mula sa Facebook page ng Philippine Olympic Committee

NAGOYA, Japan — Naputol noong Huwebes ang pag-asang makuha ni Alex Eala ang kauna-unahan niyang gintong medalya sa Asian Games at ang tsansang makapasok sa tennis tournament ng 2028 Los Angeles Olympics matapos siyang talunin ng hindi gaanong kilalang Chinese player na si Wang Xiyu, 3-6, 6-3, 6-2.


Si Eala, ang kauna-unahang manlalaro mula sa Southeast Asia na nagkampeon sa isang WTA tournament at paborito ng mga tennis fan sa tour, ay muling nakakuha ng bronze medal sa singles at ikatlo na niya ito sa kabuuan. Nakakuha rin siya ng bronze sa mixed doubles sa Hangzhou tatlong taon na ang nakalipas.


Isinantabi ng 21-anyos na si Eala ang pagkakataong makakuha ng ranking points at prize money sa kasabay na China Open upang katawanin ang Pilipinas sa Nagoya. Dahil sa pagliban sa mandatory event sa Beijing, maaari rin siyang pagmultahin at patawan ng parusang ranking ng WTA.


Sinabi ni Eala na wala siyang pinagsisisihan.


“Masaya talaga ako na naranasan ko ito, ang suporta... at ang makasama ang team at, oo, ang makalaban para sa bansa (I'm really happy to have experienced this, to experience the support ... and to be with the team and, yeah, to compete for the country)”, sinabi niya sa mga mamamahayag.


Pasok na sana si Eala, world number 18, sa kanyang unang Asian Games final, ngunit bumaba ang kanyang laro sa second set bago siya tuluyang naiwan, 4-1, sa third set.


Napigilan ni Wang, na nasa world number 85, ang mga break point sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Eala bago niya tuluyang isinara ang laban nang walang puntos na nakuha ang kalaban sa kanyang service game sa Higashiyama Park Tennis Center.


“Mas naging consistent si Wang. Nagkaroon ako ng ilang pagkakataong maganda at hindi maganda ang laro ko, at kailangan kong pag-usapan iyon kasama ang team ko at pagnilayan (Wang was more consistent. I had a couple of ups and downs during the match which is something I have to talk to my team about and process)”, sabi ni Eala.


Makakaharap ni Wang sa all-China final ang 37-anyos na si Zhang Shuai.


Hindi magiging madali ang laban kay Zhang, na dating umabot sa quarterfinals ng Wimbledon sa Australian Open. Pinatunayan niya ang kanyang husay matapos talunin si Yulia Putintseva ng Kazakhstan, 6-4, 6-2.


May medalya na si Zhang sa tatlong nakaraang Asian Games. Nakakuha siya ng silver sa singles noong 2018 sa Jakarta at gold naman sa team event sa sariling bayan noong Guangzhou 2010.

Nasa edad 40s na si Zhang kapag magsimula ang susunod na Asian Games sa Doha sa 2030, ngunit hindi niya isinasantabi ang posibilidad na muling lumaro.


“Palagi kong naiisip na baka ito na ang huli kong Games. Pero tingnan ninyo, nandito pa rin ako, hindi ba? (I always feel like this may be my last Games. But look, aren’t I here again?).”


“Hangga’t hindi ka sumusuko sa sarili mo, walang ibang tao sa mundong ito ang makapagsasabi na tapos na ang laban mo (As long as you don’t give up on yourself, no one else in this world can give you that death sentence).”

bottom of page