top of page

Xi Jinping: Mas malalim na ugnayan ng China at Oman, magandang estratehiya para sa dalawang bansa

Isinalin ng Sari Story Network

November 3, 2026 at 1:20:27 AM

Larawan nina Chinese President Xi Jinping at Sultan Haitham bin Tariq

Dumalo sina Chinese President Xi Jinping at Sultan Haitham bin Tariq ng Oman sa welcome ceremony para sa state visit ng Sultan sa China, na ginanap sa Great Hall of the People sa Beijing, China noong Nobyembre 2, 2026.

Reuters / Tingshu Wang / Pool

Itinuturing ng China ang pagpapalawak at pagpapalalim ng ugnayan nito sa Oman bilang isang “shared strategic choice” ng dalawang bansa, ayon kay Chinese President Xi Jinping sa Sultan ng Oman nitong Lunes.


Sinabi ni Xi kay Sultan Haitham bin Tariq al-Said sa pagsisimula ng kanilang pagpupulong sa Beijing na nasa bagong makasaysayang panimulang punto ang relasyon ng dalawang bansa.


“Handa akong makipagtulungan sa inyo upang gabayan ang estratehikong samahan ng China at Oman tungo sa mas mataas na antas, mas mahusay na mapagsilbihan ang mga mamamayan ng ating mga bansa, at makatulong sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon (I am ready to work with you to guide the China-Oman strategic partnership to an even higher level, better serve the peoples of our two countries, and contribute to peace, stability and prosperity in the region),” ani Xi, batay sa ulat ng media pool na nag-cover sa pagpupulong.


Dumating si Haitham sa Beijing nitong Linggo para sa dalawang araw na pagbisita. Ito ang unang pagbisita ng isang pinuno ng Oman sa China mula nang itatag ng dalawang bansa ang kanilang diplomatikong ugnayan noong 1978.


bottom of page