top of page

Walang Pilipinong nasugatan sa malawakang protesta sa France

Philippine News Agency; Isinalin ng Sari Story Network

October 20, 2026 at 2:36:36 AM

Larawan ng riot police

Kumikilos ang mga pulis sa pagkontrol ng kaguluhan sa gitna ng mga karahasan, isang araw matapos ang malawakang demonstrasyon sa buong bansa laban sa mataas na gastusin at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, sa Paris, France, noong Oktubre 18, 2026.

Abdul Saboor / Reuters

Wala pang naiulat na Pilipinong nasugatan o naaresto sa gitna ng malawakang protesta sa France noong weekend, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes (Oktubre 19, 2026), sa kabila ng mga ulat ng karahasan at pagkasira ng mga ari-arian sa ilang lugar, kabilang na sa kabisera nitong Paris.

 

Batay sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas sa Paris, pinayuhan ang mga Pilipino na umiwas sa mga lugar na may isinasagawang protesta at malalaking pagtitipon, sundin ang mga tagubilin ng lokal na awtoridad, at iwasang makilahok sa mga komprontasyong pampolitika o magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon sa internet.

 

Maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa Assistance-to-Nationals hotline ng embahada sa +33 6 80 11 52 71, consular hotline sa +33 6 20 59 25 15, o mag-email sa paris.pe@dfa.gov.ph.

 

 

bottom of page