Walang naganap na pamamaril sa Baclaran Church — Rector
Sari Story
September 2, 2026 at 8:17:41 AM
MANILA – Nilinaw ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Parañaque City na walang naganap na pamamaril sa loob ng simbahan nitong Linggo.
Sa isang social media post nitong Linggo ng gabi, iniulat ni Rector Fr. Rico John Bilangel na nagdulot ng alarma ang insidente noong hapon ng Agosto 30, na kinasangkutan ng isang lalaking nakainom at may dalang baril.
“It is important to clarify that no shooting took place during the incident. Our security personnel and the authorities responded promptly, and the individual involved is now in police custody,” pahayag ng opisyal ng simbahan.
Iniulat din niya na dalawang indibidwal ang nagtamo ng minor injuries sa insidente at nabigyan na ng first aid.
Hinimok ni Bilangel ang publiko na maging maingat at tiyaking beripikado ang impormasyong ibinabahagi o ipinopost sa social media upang maiwasan ang kalituhan at pangamba.
“We continue to prioritize the safety and security of all devotees and churchgoers,” dagdag niya.

