top of page

Visayas at Mindanao, makakaranas ng mga pag-ulan ngayong Setyembre 28

Sari Story

September 28, 2026 at 4:02:56 AM

Larawan ng mga sasakyan

Mga sasakyan ang dumaraan sa maputik na bahagi ng kalsada. (Larawan mula sa Wix)

Ronald Cadelina / Unsplash sa pamamagitan ng Wix

Ang umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdadala ng mga pag-ulan sa mga bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Lunes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

 

Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, at Lanao del Sur.

 

Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

 

Makakaranas naman ang nalalabing bahagi ng Mindanao ng mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.

 

Sa Luzon, asahan din ang ganitong lagay ng panahon dahil sa localized thunderstorms.

 

Samantala, makakaranas ang buong kapuluan ng mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng karagatan, ayon sa PAGASA.

bottom of page