top of page

USS Abraham Lincoln umalis na sa Thailand matapos ang limang araw na port visit

Sari Story

September 7, 2026 at 7:10:19 AM

LED display na bumabati sa mga tauhan ng US Navy

Isang LED display na bumabati sa mga tauhan ng U.S. Navy mula sa Nimitz-class aircraft carrier na USS Abraham Lincoln, sa Pattaya City, Thailand, Setyembre 3, 2026.

REUTERS / Chalinee Thirasupa

Umalis na sa Thailand noong Linggo ang U.S. aircraft carrier na USS Abraham Lincoln matapos ang limang araw na port visit, na nagtapos sa pansamantalang pahinga nito mula sa matagal na deployment na kinabilangan ng mga operasyon sa Middle East, ayon sa U.S. Navy.


“Nais naming pasalamatan ang mga mamamayan ng Thailand sa kanilang napakainit na pagtanggap,” pahayag ni U.S. Navy Captain Dan Keeler, commanding officer ng Abraham Lincoln.

(We would like to thank the people of Thailand for their incredible hospitality.)


Karaniwang tumatagal nang anim hanggang siyam na buwan ang deployment ng mga sasakyang pandagat ng U.S. Navy, ngunit maaari itong humaba kapag may nagaganap na labanan o armadong tunggalian.


Ang nuclear-powered na Lincoln, na may halos  5,000 tauhan, ay napasabak sa naval blockade at combat operations ng Estados Unidos sa digmaan laban sa Iran. Ayon naman sa mga Democratic lawmaker, nakapagtala ang barko ng modern-day record para sa pinakamaraming magkakasunod na araw na ginugol sa dagat.


Kasama ang iba pang barko ng U.S. Navy, dumating ang Lincoln sa Thailand madaling araw noong Miyerkules. Ang Thailand ang tanging treaty partner ng Estados Unidos sa mainland Southeast Asia. Sinabi ng mga opisyal ng Thailand na limang araw ang itinagal ng pagbisita.


Sunod-sunod na dumating sa isang hotel sa resort city ng Pattaya ang mga bus na sakay ang mga marino at marines na nakasuot ng sibilyan. Marami sa kanila ang nakangiti at kumakaway. Dumating sila sa hotel ilang sandali matapos dumaong ang kanilang mga barko.


Matatagpuan ang Pattaya may 150 kilometro (93 milya) sa timog-silangan ng Bangkok.


bottom of page